Nagising ako nang maramdaman kong mayroong medyo mabigat na nakadantay sa may beywang ko. Braso pala iyon ni Felip. Nakatulog na pala siya, buti naman.
Dahan-dahan akong gumalaw paharap sakaniya. Akmang aalisin ko ang pagkakayakap niya sa akin pero lalo niya lang iyon hinigpitan, parang ayaw akong pakawalan.
I sighed.
Sinabi ko na sakaniya kanina na pwede siyang humiga rito dahil pansin kong pahikab-hikab siya kanina pero sinabi ko rin na 'wag didikit sa akin dahil baka mahawaan ko lang siya. Kulit talaga.
For a moment, I'm given a chance again to get this close to him. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Mula sa kilay niya, sa talukap ng mga mata niya, sa may katangusan niyang ilong, hanggang sa labi niya. I unconsciously held and caressed his face and his cheek.
"I'm so proud of you, ga..." I said, whispering, while staring at his sleeping face.
Feeling ko kailangan ko 'yon sabihin sakaniya ngayon kahit na alam kong tulog siya at hindi niya ako maririnig. Pakiramdam ko kasi at some point noong kami pa, nagkulang ako sa pagpapakita ng suporta sakaniya. Hindi ako naging showy kung anong nararamdaman ko tuwing may nagagawa siya na may kinalaman sa pangarap niya.
"It's been four years, maglilimang taon na nga. But look at you know, ang dami mo nang naaachieve." proud kong saad na parang kinakausap lang siya nang gising. "Masaya ako na sa kabila ng lahat ng narating mo sa buhay, hindi ka nagbago. Ikaw pa rin yung lalaking minahal ko noon, yung mahal ko hanggang ngayon..." sabi ko.
He's been showy to me right now. Sa mga salita at sa mga ginagawa niya, showy siya. Pero eto ako ngayon, hindi ko man lang masabi o maipadama sakaniya na pareho pa rin kami ng nararamdaman kasi nag-aalala ako.
If I give him false hopes, alam kong aasa siya. Hihintayin niya pa ako. At ayokong maghintay siya sa wala.
"Sana alam mo na kahit wala ka ng kung anong meron ka ngayon, fame, success, money, kahit wala ka no'n meron kang ako, yung tayo." sambit ko habang inaalala yung sinabi sa akin ni Papa nung nakaraan.
Hindi ko lalapitan si Felip nang dahil sa meron akong kailangan sakaniya. Hindi ako lalapit at bubuntot sakaniya nang dahil lang sa meron na siya ng lahat ng wala ako ngayon. Wala akong balak na gamitin siya.
"Gusto ko ring bumalik sa'yo, alam mo ba 'yon?" I softly asked. "After hearing your explanations when you came back, after all these things you've been doing for me, sana ganon nalang din kadali yung pagbabalikan nating dalawa kaso hindi." sabi ko.
"I wish we can go back to how and what we're used to be... Kung paano tayo noon. Yung simple lang, yung palagi kitang nasa tabi ko, yung kahit na maliliit na bagay nakakapagpasaya na sa atin."
That's it... Nasabi ko na yung ibang gusto kong sabihin sakaniya.
Marami pa akong gustong sabihin sakaniya pero mukhang hindi ko pa kayang sabihin din iyon ngayon. Siguro sa susunod nalang, kung may susunod pa...
"I love you, langga." I said.
Pagkatapos ng ilang taon, ngayon ko nalang ulit nabanggit ang mga katagang iyon. Mukhang ito na rin ang huli.
I'm still caressing his cheeks but then I heared footsteps coming here in the room. Napatigil pa ako sandali at nakiramdam sa labas.
Mukhang nandiyan si Papa...
Nang marinig kong binuksan niya ang pinto ay nataranta ako at agad na yumakap nang mahigpit kay Felip tsaka ako agad ding pumikit.
Agad ko ring naramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...