CHAPTER 38

723 19 1
                                    

KEN's POV

"Jo, pwede ba kitang makausap?"

Nakatayo ako rito sa may pintuan ng kwarto nila. Kinuha ko na muna 'tong pagkakataong 'to na makausap si Julie dahil nasa banyo naman si Ky, naliligo.

Mabilis na tumango si Jo bilang pagsagot sa akin kaya lumapit na ako sa kaniya. Nakaupo siya sa gitna ng kama at ako naman ay naupo sa dulo habang malamlam na nakatingin sa kaniya.

"Jo, sorry sa kanina, ah..." paghingi ko ng paumanhin.

"Kuya, wala ka naman pong kasalanan eh." sabi niya.

Ngumiti ako nang maliit. Pareho talaga sila ng ate niya.

"Still, sorry pa rin. Alam kong masakit na siraan ang ate mo sa'yo mismo. Lalo na't hindi naman totoo yung mga pinagsasabi niya kanina." ani ko.

"Kuya, alam mo naman na love ka po ni ate, diba? Hindi ka naman po niya ginagamit." sabi ni Julie.

"I know, Jo." I said. "Alam kong love ako ng ate mo. Love ko rin siya, diba? Nakikita mo naman 'yon. Kaya nasasaktan din akong malaman na may naninira pala sa kaniya." pahayag ko. Nakikinig lang siya nang maigi kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kaya 'wag kang mag-aalala. Kinausap ko na yung umaaway sa ate mo, yung nagpaiyak sa'yo kanina. Sinabi kong 'wag na niyang uulitin iyon." ani ko.

"Jo, sorry pa rin, ah. I'm sorry..." I apologized to her again. "Basta, gusto ko lang na lagi mong tandaan na kahit anong mangyari, may manira pa mang ibang tao sa ate mo, hindi mag-iiba ang tingin ko sa kaniya. Mamahalin ko pa rin siya kasi ako yung nakakakilala sa kaniya kaysa sa kanila. Alam ko na lahat ng gawin ng ate mo, para sainyo lang din magkapatid. Para sa ikakabuti niyo." sabi ko sa kaniya.

"Thank you, kuya," Julie said. And I'm glad that it somehow made her smile a little. Bigla siyang yumakap sa akin kaya napangiti ako bago ko rin siya yakapin pabalik. "Sana po hindi ka magbago. Sana hindi po magbago yung tingin niyo sa amin ni ate." mahina niyang sambit habang nakayakap sa akin.

"Hindi magbabago, Jo. Walang magbabago." paniniguro ko sa kaniya.

Maya-maya ay humiwalay na rin kami sa yakap.

Nagpasalamat ako kay Julie sa pag-intindi niya. Matalino siya kaya't madali rin niyang naintindihan yung nangyari.

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na rin ako sa kwarto ko.

Sinabi ko kina Kylie at Julie na 'wag na masyadong isipin yung nangyari kanina but then here I am, getting mad as I've learned that someone's saying terrible things to Kylie.

How dare her... Ngayon alam ko na kung bakit minsan parang may iba kay Kylie kahit na okay naman kami. It's because something and someone's been bothering her.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Pero maaga nga ba? I barely slept during the night. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa nangyari. Hindi rin kami nagtabi ni Kylie matulog, ni hindi na rin kami nakapag-usap pagkatapos kong kausapin at puntahan ang kapatid niya sa kwarto nila.

And now I made breakfast for them. It's been a while since I did this, yung naghahanda ng agahan para sa kaniya.

Nakaupo lang ako at pinagmamasdan yung mga pagkain sa lamesa. Hindi ko alam kung kakatok ba ako sa pintuan nila para ayain na silang kumain. Ni hindi ko nga rin alam kung gising na si Kylie.

Napatingin ako sa ilalim ng lamesa nang maramdaman ko si Kuro sa paanan ko. Tumayo muna ako tsaka naglagay ng cat food niya roon sa kinakainan niya.

"Goodmorning, baby boy," ani ko habang hinihimas nang marahan ang ulo niya habang kumakain na siya. He's busy eating his meal while I'm just staring at him. "Gising na kaya Mommy mo?" I asked. Mahina nalang akong natawa.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon