CHAPTER 34

786 22 4
                                    

Hi! I suggest na iplay niyo yung song attached while reading the first half of this chapter. It's "Lover" by Taylor Swift. Maki-vibe muna tayo kay Kylie HAHAHAHA.
Enjoy reading!

- Zy

----------

"Ga, hindi sa nagsasawa na ako sa boses mo, ha. Pero pwedeng ibang kanta muna?" maingat kong tanong kay Felip habang nagmamaneho siya.

Nakabalik na kami rito sa Manila. Nakauwi na kami. Actually, galing na kami sa condo niya at iniwan na roon ang mga dala naming gamit at ngayon ay papunta na kami sa bahay ni Tita para sunduin na si Julie.

"Go lang. Ikaw na pumili." sabi niya kaya napangiti naman ako.

We were playing music in his car. Madalas siya ang namimili ng kanta kaya kung anong napipili niya ay wala akong choice kundi pakinggan. Kani-kanina lang ay mga kanta niya ang nagpplay pero ngayon ay pinalitan ko na.

"Kay Mareng Taylor muna tayo." sabi ko at mahinang tumawa.

I played one of Taylor Swift's songs. Yung Lover. It's my favorite.

Hawak ko ang cellphone ni Felip. Binuksan ko ang camera no'n at napagpasyahan kong irecord ang sarili ko habang nagpplay na ang music. Oh diba, ganda ng kanta niyan mamaya sa background.

Pangiti-ngiti ako sa camera habang pinakikinggan ko ang kanta. At nang dumating ang chorus ay sinabayan ko na ito.

"Can I go where you go?" I started singing as the video recorder goes on. "Can we always be this close, forever and ever? And ah, take me out, and take me home. You're my, my, my, my Lover..."

Lumingon ako kay Felip nang banggitin ko ang huling salita.

Focus siya sa pagmamaneho pero ngayo'y nakatingin ako sa kaniya nang mabuti ay nakikita ko ang maliit na ngiti sa labi niya.

I smiled.

Hindi ko namalayang ilang sandali na rin akong nakatitig sa kaniya. Hindi na mabilang kung ilang beses ko nang pinakinggan ang kantang ito pero ngayong nandito si Felip sa tabi ko, na parehas kaming nakikinig dito ay parang kakaiba ang nararamdaman ko.

My heart is pumping with a different kind of joy.

Nang mapansin kong malapit na sa bridge part ay inalis ko na muna ang tingin ko kay Felip. Inayos ko ang upo ko at ang pagrerecord sa sarili ko, for memories.

I smiled sweetly at the camera before singing again.

"Ladies and gentlemen, will you please stand? With every guitar string scar on my hand. I take this magnetic force of a man to be my lover," I sang. Confident ako sa boses ko kaya hindi ako nahihiyang kumanta rito kahit na ang kasama ko ay isang magaling na singer din. "My heart's been burrowed and yours has been blue. All's well that ends well to end up with you. Swear to be overdramatic and true to my lover," napahawak ako sa may dibdib ko bago nilingon si Felip. With a playful smile on my lips, I continued to sing the remaining part of the bridge. "And you'll save all your dirtiest jokes for me. And at every table, I'll save you a seat, lover..."

Pagkatapos no'n ay chorus ulit kaya tumigil na ako sa pagkanta. Nakatitig nalang ulit ako ngayon kay Felip.

I'm staring at him with full of adoration and love.

Ilang segundo rin akong tumitig ulit sa kaniya bago ako nagsalita.

"Gwapo mo." sabi ko at mahinang tumawa. Itinigil ko na rin ang pagvivideo tutal tapos naman na akong kumanta.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon