KEN's POV
"This has been, SB19! Maraming salamat, A'TIN! Babalik ulit kami rito soon!"
Nakangiti ako habang kumakaway-kaway sa fans.
It's good to be back at my hometown. It's good to be back near to my loved ones. It's been four years, almost five.
Kakatapos lang ng concert namin. Masaya akong nakikitang masaya rin yung mga kagrupo ko na marating 'tong lugar namin.
But for the last time, I checked the audience area again to see if she's there already pero wala. Natapos na ang concert, hindi siya dumating.
"Ken, tara na."
Napalingon ako kay Stell nang tawagin na niya ako para bumaba na ng stage. Sumunod nalang ako sakanila.
She didn't come, then ako ang pupunta sakaniya.
"Uuwi ako sa bahay namin mamaya, ah." pagpapaalam ko sa mga kagrupo ko habang nagdidinner kami.
"Sainyo ka matutulog?" tanong ni Justin na siyang nasa tabi ko.
Marahan lang akong tumango bilang sagot.
Namiss ko sa bahay sa totoo lang. Ang dami kong namiss dito.
"Punta nalang ako sainyo sa hotel bukas pag may oras ako." sabi ko rin.
May gagawin kasi ako simula bukas. I have planned and invisioned in my mind the things that I will do once we got here. At sisimulan ko iyon bukas.
"Kuya, ihatid po muna natin si Ken sakanila."
Napatingin ako kay Pablo tsaka umiling nang kausapin niya yung driver namin.
"Hindi na, Pau." pagkontra ko.
"Ken, 'wag makulit."
Napasimangot naman ako nang magsalita na ang manager namin. Okay, siya ang masusunod...
Habang hinahatid na nila ako pauwi sa bahay ay kung ano-ano na ang sinabi at ibinilin nila sa akin. Para naman akong bata na binibilinan nila. Awit, matanda na ako.
Nakinig nalang ako sakanila. For sure ay mamimiss ko rin sila dahil wala naman akong balak na umuwi agad at sumabay sakanila pagbalik sa Manila. I want to stay here for a while.
I have an unfinished business here that I should fix.
Nang makauwi na ako sa bahay ay agad kong kinausap ang kapatid ko. Nanood din siya sa concert pero di na kami nagkausap doon dahil umuwi rin kaagad siya pagkatapos.
"Ate, wala siya kanina..." sabi ko. She knows what I'm talking about.... I'm talking about Kylie, she's the woman that I love.
"Mukhang ayaw ka talagang makita." sambit ni ate tsaka napailing sa akin.
Oo, alam ko 'yon. Alam kong ayaw akong makita ni Kylie pero umasa pa rin ako na makakapunta siya ng concert dahil may ticket sila ng kapatid niya.
Nagkita na kami ni Kylie. Pinuntahan ko siya isang gabi. I tried talking to her but it didn't went well. Galit siya, tinaboy niya lang ako.
Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. I broke my promise to her na hindi ko siya iiwan but I just did, four years ago.
I just really had a hard time na sabihin sakaniya yung pag-alis ko. I ran out of time.
Pero sa pag-alis ko, hindi naman siya nawala sa puso't isipan ko. She's been always here in my heart. Sa lahat ng ginagawa ko, iniisip ko siya. Lahat ng ginagawa ko ngayon sa buhay ay palaging siya ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...