Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya.
Tinitigan ko ang mukha niyang natatabunan ng itim niyang mask. Nagtagpo ang mga mata namin at doon ko nakumpirma na si Felip nga itong nasa harap ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. I was caught off guard kaya hindi ako nakaiwas agad. Pero nang matauhan ako sa ginawa niya ay pwersahan ko siyang tinulak.
"Ano ba?!" inis kong bulyaw sakaniya.
Ang kapal naman ng mukha niyang pumunta rito at magpakita sa harap ko.
"Ga, a-ako 'to." aniya tsaka agad na tinanggal ang mask niya at binaba ang hood ng jacket niya.
Akmang lalapit ulit siya sakin pero agad ko siyang pinigilan at dinuro pa gamit ang isang daliri ko.
"Wag mo 'kong lalapitan." mariin kong saad sakaniya.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko ngayong nakita ko ulit siya. Bumigat din ang paghinga ko.
"Ky..." tawag niya sa akin.
"Anong ginagawa mo rito, ha? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sakin pagkatapos mong umalis at iwan ako." may hinanakit kong sambit sakaniya.
Hindi siya nakapagsalita at napayuko nalang.
Mapait akong tumawa habang nakatingin sakaniya.
Ngayon hindi siya makapagsalita.
"Umalis ka na. 'Wag ka nang magpapakita ulit sakin." sabi ko bago siya tinalikuran at pumasok na sa loob ng bahay.
Pagkatapos kong maisara ang pinto ay dahan-dahan nalang akong napaupo. Itinakip ko ang palad ko sa bibig ko nang magsimula na akong umiyak.
Si Felip... Bumalik siya...
Bakit? Para ba ipakita sakin na hindi siya nagsisi na iniwan niya ako noon? Nagsawa ba talaga siya sakin noon dahil ganito lang ako? Kaya nung may pagkakataon na umalis siya ay umalis naman kaagad siya nang hindi na nag-abalang magpaalam pa sakin.
Galit ako... Galit ako na nasasaktan din dahil bumalik yung sakit nung iniwan niya 'ko.
Matagal na 'yon eh... Apat na taon na. Okay na ako pero, tangina, bakit ganito? Nakita ko lang ulit siya ng personal at harap-harapan, bumalik ulit yung sakit.
Paano niya 'yon ginawa? Paano niya nagawang humarap ulit sakin na parang wala lang?
Kinaumagahan, maaga akong bumangon para magluto ng almusal namin. Sabado, wala namang pasok si Julie pero eto ako ngayon, napaaga.
Inihanda ko nalang sa lamesa yung pagkain namin pagkatapos ay naghilamos ulit ako. Hindi na talaga ako nakatulog kagabi kahit anong gawin kong pagpikit ng mga mata ko. Iyak lang din ako ng iyak kaya ngayon mugto yung mga mata ko.
"Ipagtimpla mo nga ako ng kape."
Napatingin ako kay Papa nang magsalita ito.
Gising na pala siya.
Sumunod nalang ako sakaniya at hindi na umimik. Ipinagtimpla ko siya ng kape pero ngayon ko lang napagtanto na wala na pala kaming asukal. Natigilan pa ako saglit dahil nagdalawang isip ako kung ibibigay ko pa ba 'yon sakaniya o hindi na.
"Ano ba 'yan? Ang bagal mo naman, akin na nga!" inis niya saad tsaka kinuha na ang tasa.
Natimpla ko na iyon at asukal nalang yung kulang.
Napakagat ako sa ibabang labi ko tsaka akmang aalis na muna sa harap niya nang bigla itong sumigaw.
"Putangina, ang pait! Hindi ka naglagay ng asukal!" sigaw niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...