Nag-aalmusal na kami ni Julie nang makarinig ako ng anong ingay mula sa labas. Nagkatinginan pa kaming dalawa hanggang sa mapatingin ako sa pintuan kung saan pumasok si Papa.
"Pa, ano yung ingay sa labas?" tanong ko.
Alanganin siyang tumingin sa akin kaya nagtaka ako. "Eh kasi," he paused and looked outside the door. "Yung—"
Hindi na niya nasabi pa yung sasabihin niya dahil nakarinig ako ng boses ng isang babae sa labas.
"Ano ba? Gusto ko lang makita yung anak ko, parang pinagdadamot mo pa," sabi ng boses sa labas kaya nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko at napatayo.
Lalapit na sana ako roon pero kusa nang pumasok dito sa loob yung babae. A woman in her mid 40's entered our house. Napatingin siya sa akin pero sandali lang iyon dahil nang makita niya ang kapatid ko ay napangiti siya nang maliit tsaka walang paalam na lumapit.
"A-Anak ko..." aniya at walang pasabing niyakap si Julie. Gulat na napatingin sa akin si Julie. Maski ako ay nagulat dahil sa inakto ng nanay niya. "Nak, a-ako 'to, yung Mama mo." sabi ng babae pagkatapos niyang mayakap si Jo. Tinignan niya ang kabuoan ni Julie. "Ang laki mo na. Anong grade ka na ba?" her mother asked.
"M-Magha-highschool na po sa pasukan," sagot ni Julie, halatang nahihiya pa.
Sandaling natahimik ang Mama ni Julie.
"Hindi man lang kita nakitang lumaki,"
"Iniwan mo eh," I uttered, making them all look at me. "Oh, totoo naman? 'Wag po kayong mag-alala, alam iyon ni Julie." sabi ko roon sa babae.
Julie's mother looked at me from head to toe before she stood up properly in front of me.
"Sino ka naman?" tanong niya sa akin.
I sighed confidently before smiling at her and extending my arm for a shake hand. "Kylie Valencia po, ate ako ni Julie." pagpapakilala ko sa sarili ko.
Tinitigan niya lang ako at ang kamay ko. Nang hindi niya pa iyon tinanggap ay binawi ko nalang iyon nang may ngiti pa ring nakasilay sa aking labi. Maayos akong nakikipag-kilala, ayaw niya no'n?
"Mabuti walang nakuhang ugali sa'yo ang anak ko," sabi niya.
"Jeneth, ano ba. Anak ko 'yan." sabi ni Papa ng marinig niya ang sinabi ng nanay ni Julie.
My jaw clenched a bit but I still managed to smile at her. Inalis na rin niya ang tingin niya sa akin at binalingan na ulit si Julie.
Nanatiling nakatayo lang ako habang nakatingin sa kaniya. Observing her every move and listening to the words she's saying to my sister.
"Julie, anak, kumusta ka? Balita ko may honor ka raw. Ang talino mo naman. Saktong-sakto marami akong regalo para sa'yo. Nasa bahay nga lang kaya pupunta tayo roon mamaya, ha."
"Jeneth, hindi mo man lang ba muna tatanungin yung bata kung gusto niyang sumama? Naninibago 'yan, kakakilala niya palang sa'yo." sabi ni Papa.
"Bakit? Anak ko naman siya, anong masama roon?"
"Masamang magdesisyon para sa ibang tao," pagsasalita ko at umupo na ulit sa kinauupuan ko. "Tama ho si Papa, tanungin niyo muna si Julie kung gusto niya bang sumama sa inyo." sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
"Bakit? Sigurado naman akong gusto akong makasama ng anak ko. Diba, Julie?"
Tumingin ako sa kanila. Julie looked at me. Hindi ko alam kung anong isasagot niya pero may nangingibabaw sa isip ko. At nagulat ako pero hindi ko nalang pinahalata nang dahan-dahang tumango si Julie.
"O-Opo," aniya.
Dahil doon ay napangiti ang mama niya tsaka marahang hinaplos ang ulo at ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...