Prologue

2.8K 63 0
                                    

"And if only ink could be erased like pencils on paper."

—————

"To Be With You?" tanong ng kaibigan ko mula sa kabilang linya.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school.

Tumango-tango ako kahit hindi naman niya ako makita. "Oo, maganda iyan!" nakangiti kong sabi. "Basahin mo."

"Talaga?" gatong niya. "Eh yung history textbook natin, nabasa mo na ba?"

Napahinto ako saglit. "Hehe, hindi—"

"Hindi pa no?!"

Nailayo ko ang phone.

"Hoy, may exam tayo ngayong umaga, babagsak ka nanaman!" singhal niya.

Napangiwi ako. "Anong magagawa ko kung kagandahan lang ang ibiniyaya sakin ng diyos?"

"Jusko!" Napasinghal siya sa sobrang inis. "Subukan mo lang magpakita sakin, subukan mo! "

Siguro, dahil sa lakas ng boses niya, hindi ko yun narinig.

"—patay ka talaga sakin!"

Ang tunog ng sirena.

Huling naalala ko nalang ay nabangga ako sa isang rumaragasang truck.

Patay nga ako.

____________

This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictious, unless otherwise stated. Any resemblace to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

Picture not mine. Credits to the rightful owner.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon