Chapter XXXIII- Horror House

279 12 0
                                    

Who cares baby? I think I wanna marry you.

-Bruno Mars

ANASTASIA LEONHART

Sinadya ko talagang lumayo-layo ng kaunti sa kanya habang kunyari abala sa pagsusuklay ng buhok ko para hindi niya nanaman kunin ulit ang kamay ko.

Andito kami ngayon sa labas ng horror house, pumipila. Isang lumang mansion ang ginawa nilang venue. Patikim pa lang daw to bago ang main carnival. May mga feature na hindi nila gagamitin ngayon.

"Sino—" Biglang natigilan ang staff ng makita kami. Nanlaki rin ang mata nito. "Your high—"

"Hans," mariing putol ni Heinz. "I'm Hans."

Tumango-tango ito sabay lingon sakin. "And this must be lady An—"

"Ana," putol ulit ni Heinz. "We're lowly commoners. Hans and Ana."

Mukhang na-gets niya na ang ibig sabihin ni Heinz. "Yes, Hans and Ana. Commoners." Tumango-tango siya. "Ilang po kayong papasok sa horror house?"

"Kaming dalawa lang," sagot ni Heinz.

"Nako, pasensya na po kamaha—Hans," sambit nito. "Three and above lang ang pinapasok namin sa haba ng pila. Kailangan niyo pong maghanap ng ibang kasama."

Hindi pa nakapagsalita si Heinz nang may biglang nagsalita sa likod namin.

"That'll be me, sir."

Nanlaki nalang ang mata ko nang sumulpot si Nicol.

Nanlaki ulit ang mata ng staff. "Lord—"

"Nic." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Nic ang pangalan ko." Nakasuot din siya ng commoner's attire.

Tumango ito sabay sulat sa isang ticket. "So it will be Hans, Ana and Nic—"

"No," putol ni Heinz. "He won't be—"

Agad kong tinakpan ang bunganga niya. "Opo manong, kaming tatlo po. Bayad ka na Nic!"

Nagbayad naman siya.

"Nga pala, bawal ang affinity sa loob. Pag nahuli kayo ng mga staff, palalabasin po nila kayo," paliwanag ni manong.

Tumango naman kami.

Binuksan ng ilang staff ang pinto. "Enjoy."

Binitawan ko na si Heinz saka pumasok sa loob. Sumunod naman ang dalawa.

Ang... dilim.

"Hoy, nasaan kayo?" tanong ko.

"I'm here," sagot ni Heinz mula sa kawalan.

"Saan?" Kinapa-kapa ko ang kadiliman hanggang sa may nahawakan ako. "Heinz?"

Nagtaka ako nang maramdamang ang lapot nito.

Bigla nalang nagsilaban ang mga lamparilya. Napatili ako nang malamang bangkay pala itong kinapitan ko.

Puno ng cobweb at lumang gamit sa loob. May mga bungo rin at maraming patak ng dugo ang nagkakalat kung saan-saan.

Nagtawanan ang mga hayop sa likod ko.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Tuwang-tuwa kayo ah?"

Natigilan sila at dahan-dahang napalingon sa isa't-isa. Nagsi-iwasan sila agad ng tingin.

"Why the hell are you here?" seryosomg tanong ni Heinz.

"Bakit, bawal ba?" gatong ni Nicol.

"Oo, bawal," sagot ng isa. "Leave."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon