Chapter XCIV- Fate

155 6 2
                                    

"The saddest truth is realising you have fallen madly in love with what can never be."

—Michael Faudet

________________________
Silveria, Winterwoods
Evening

"Keep them alive, we'll be leaving at dawn soon."

Naalimpungatan ako nang may nagsalita. Nakatulog pala ako?Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at nakaramdam ng pamilyar na init.

Heinz.

Saka ko lang napansing nakakandong pala ako sa hita niya habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya— sa bandang leeg.

Agad nag-akyatan ang dugo ko sa katawan. Letche?!

Gusto ko man umalis pero intake ako ng hiya. Paano kami napunta sa ganitong posisyon?!

Ramdam ko pa ang kamay niya sa beywang ko habang ang isa naman ay pinaglalaruan ang buhok ko. His mannerisms never changed. He's still the Heinz I know— And not.

Nakarinig nalang ako ng yabag ng paa. "Your highness, the tents are ready."

"Alright, you may leave," sagot ni Heinz.

Narinig ko namang naglakad palayo ang kawal.

Biglang gumalaw si Heinz kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at nagtulog-tulogan. Hinila niya ang kamay niya at nilagay sa ilalim ng hita ko habang ang isa naman ay sa likod bago ako inangat at kinarga.

Sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso ko— dahil sa kaniya at sa hiya na rin.

Naglakad siya papalayo hanggang sa narinig kong may hinawi siyang tela bago ko naramdaman ang malambot na kama sa likod ko.

Nagtulog-tulogan pa rin ako. Nakakahiya nang gumising ulit. Akala ko aalis na siya pero hindi. Umugong ang gilid ng kama— sa tabi ko, palatandaan na umupo siya roon. Hinawi niya ang nakatabing buhok sa mukha ko bago hinawakan ang kanang pisngi ko.

Sa puntong 'to, hinihiling ko nalang na sana natago ng lamig ang pag-iinit nito.

"That's strange..." rinig kong bulong niya. "You still look pretty despite all else."

Ano raw?!

Nagrarambulan na sa sobrang lakas at bilis ng tibok ang puso ko. Anong sabi niya?!

Binitawan din niya ako at pinaglalaruan nanaman ang kamay ko. He intertwined it with his and untwined and intwined it again.

Anong problema niya?! Umalis ka na, puwede ba?! Malapit na akong atakehin sa puso rito!

Mukhang nagsawa rin siya pagkatapos ng ilang minuto dahil tumayo siya saka ako kinumutan. Narinig ko nalang ang yabag niya papalayo.

Nagtulog-tulog pa ako ng ilang minuto at nang masigurong wala na siya ay saka na ako bumangon, pulang-pula.

Napahawak nalang ako sa pisngi ko. Madilim pala rito, hindi niya naman siguro nakita 'to, no?

'Di ba nasa ilalim siya ng dark affinity? Ba't may pa gano'n?! Inaasar ba ako nito?

Kalaunan ay napabuntong-hininga nalang ako. Kamusta na kaya sina Mikael? Gising na kaya sila? Sana hindi siya magalit sa naging desisyon ko— Na mukhang malabo nang mangyari.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon