ANASTASIA LEONHART
"What's this I heard about a wedding, kuya?" seryoso niyang tanong sa kuya niya.
"Oo nga pala, hindi mo alam," parang gulat na gulat na sambit ni kuya Vanklov. "Ikakasal na kayo ni Anastasia sa susunod na buwan."
Kita kong natigilan si Heinz kasabay ang unti-unting pamumula ng tenga niya. Nang makabawi ay napakurap-kurap siya. "W-What?"
Bigla nalang nagpalabas ng apoy si kuya na parang fireworks. "Surprise!"
Napatampal nalang ako sa noo.
Hindi parin makapagsalita si Heinz. Tulala lang siya.
Lumapit na tuloy ako saka kinaway ang kamay ko sa harap niya. "Heinz?"
Napakurap-kurap siya ulit saka napatingin sa direksyon ko. "We're getting... married?"
Tumango ako.
"For real?"
Tumango ako ulit.
Napahilamos siya sa mukha. "No kidding?"
Nagsimula na akong mairita. "Oo nga."
"And it's okay with you?" paninigurado niya.
Napairap ako sa kawalan. "Oo nga sa—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla-bigla niya akong hinalikan.
Bolta-boltaheng kuryente ang sunod-sunod kong nararamdaman sa katawan ko.
"Hoy!"
It was a short kiss that lasted for a few seconds. Nang lumayo siya ay namumula niyang itinago ang mukha sa leeg ko.
Hindi ko na napigilang ngumiti. "You okay?" tanong ko sabay himas sa buhok niya.
May sinasasabi si kuya Vanklov pero parang wala na akong paki na nandyan siya.
"More than okay," sagot ni Heinz.
Natahimik ako sandali bago nagsalita. "Masaya... ka ba?"
Tumango siya. "Sobra."
Kumabog ng sobrang bilis sa tibok ang puso ko. Para akong ewan na napapangisi nalang na kinikilig na natatameme sa sagot niya.
Gusto kong magtatalon!
Agad din yung nawala nang sumulpot bigla si kuya Vanklov at tinulak kami palayo sa isa't isa.
"Tama na sabi, naiinggit na ako!" singhal niya na ikinapula ng pisngi ko. Nandyan pa pala siya, nakakahiya! "Kita niyo, susunod din kami ni Dimitri— Hoy!"
Hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya dahil irita akong hinila ni Heinz palayo.
Nagtambay lang kami sa kwarto niya buong magdamag dahil kailangan pa niyang magpahinga.
At akala ko sobrang saya na nang araw na yun nang tumambad sakin ang isang karumal-dumal na balita.
Pumunta ang isang tao sa palasyo para ibigay sakin ang mga libro at questionnaires na kailangan kong sagutan para sa summer class.
Ilang araw na ang lumipas. Napasalampak nalang ako sa lamesa. Dahil on high security alert ang buhay ko, my family pulled some strings to make my summer class become 'summer-homeschooling-class.'
"Wrong answer. Again," sambit ng dyablo sa tabi ko.
Nagpapadyak ako sa inis. "Ang hirap niyan, wala akong maintindihan!"
Mahina niyang sinapak ang hawak-hawak na libro sa ulo ko. "That's because you weren't listening!"
Napalobo nalang ako sa pisngi. Sapul. Ang boring naman kasi.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...