Chapter L- Heide

216 8 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

Napatakip nalang ako sa mukha ko para maitago ang kahihiyan.

Buong araw daw bumalik ang katawan at isip ko sa pagiging bata. Buti nalang at sumama ang damit ko sa pagliit kundi nako! Nasilipan na ako!

Palagi din akong umiiyak pag nakikita ko sina Mikael kaya dinala nalang ako ni Heinz sa kwarto at umiiyak din daw ako pagwala siya kaya hindi niya ako maiwan-iwan.

Naloko na, naloko na talaga!

"Come on," sambit naman ni Heinz. "Umalis ka na nga sa ilalim ng kama."

"Ayoko."

"Now you're really acting like a kid," sambit niya. Tanging binti niya lang ang nakikita ko habang nakaupo siya sa kama.

"I'm not a kid!" singhal ko.

"Then come out."

"Aasarin mo ako."

"I won't. Promise." Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Anong oras na, hindi ka pa kumakain."

Dahan-dahan akong gumapang palabas at nakabusangot na umupo sa gilid ng kama. Naiirita ako pag nakikita ang maliliit kong binti.

Tumayo naman si Heinz mula sa kama at umupo sa harap ko para magkapantay kami. "I'll carry you, okay?"

Hindi ako sumagot.

Maingat niya naman akong kinarga gamit ang isang kamay na parang bata saka ako pinaupo sa lamesa. Kung sa upuan kasi ako uupo, hanggang noo ko lang ang lamesa.

Ganyan ako kaliit.

Pero agad din naglaho ang inis ko ng makita ang sandamakmak na fries sa isang malaking bowl. A piece of fries looks even bigger on my tiny fingers.

Hindi na ako nagdalawang isip na lantakan ito.

Sabi ni Heinz effect daw itong nangyayari sakin ngayon sa biskwit na kinain ko sa Insitute.

Aba magaling!

"Stop staring!" singhal ko naman nang makitang ngingiti-ngiti siyang nakatingin sakin.

Pinisil niya ang pisngi ko. "I don't wanna."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige ka, hindi ako kakain."

"Okay." Bigla niyang inabot ang fries kaya dali-dali ko itong nilayo sa kanya kahit nabibigatan ako sa plato. "What? Akala ko hindi ka kakain?"

Napairap nalang ako saka tumalikod sa kanya at patuloy na sinubo ang fries.

Narinig ko siyang mahinang tumawa bago nagsalita. "Nesa, pagkatapos mong kumain, bababa tayo. You owe everyone an apology."

Natigilan ako na mukhang napansin niya.

"Nesa?"

Agad akong napailing. "Ayokong bumaba."

"Hindi naman sila galit."

"Nakakahiya," sambit ko.

Naramdaman ko nalang na pinatong niya ang kamay sa ulo ko. "It's gonna be okay, alright? I'm here."

Mahinang napanatag ang loob ko. "Okay."

Hanggang sa matapos akong kumain, kinarga niya ako pababa ng hagdan kung saan nagkukumpulan ang mga Heathcliff. Nakita ko pa si Navis na may bandage sa ilong.

"Anastasia has something to say," bungad ni Heinz sa kanila.

"Ano, magso-sorry na ang bulilit na yan?" iritang tanong ni Navis.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon