ANASTASIA LEONHART
Kumunot ang noo ko nang mabuksan ang librong pinamagatang To Be With You. Wala kasing nakasulat dito, ni isang pahina, wala.
Ilang beses ko nang binalik-balikan ang bawat sulok nito pero wala talaga.
Ano to, scam? Pumunta kami sa Eaux para lang dito?
Ang totoo niyaan, isang araw na kaming naglalayag sa barko. Nandito ako ngayon sa cabin habang abala si Heinz sa upper deck.
Sinara ko nalang ang libro at humilata nalang sa kama. Isang araw pa ulit ang dumaan bago namin narating ang Larona Isles. Akala ko, makakapagpahinga na ako.
Pero hindi.
Naabutan naming nagkakagulo ang Lana Larona. Ang daming wasak na gamit na parang dinaanan ng bagyo. Si Heinz naman ay agad kinausap ng mga opisyal ng lugar.
"Anong nangyari rito?" nag-aalalang tanong ko kay Siri nang inasikaso niya ako sa bahay nila.
"Dumating nanaman ang mga Sahil," galit na galit niyang sumbong sakin.
Kumunot naman ang noo ko. "Sahil?"
"Di mo alam? Sila ang mga naka-tira sa disyerto, sa Al-Sahil," sagot niya at may nilapag pa talagang mapa sa lamesa. Nandito kasi kami ngayon sa sala.
Al-Sahil, the western kingdom of the desserts. Minsan na itong nabanggit sa To Be With You.
"These rascals stole our herbs from the farm, Tash," irita pa niyang sabi habang pinagdudul-dulan ang kawawang mapa. "Una silang pumunta rito a few months ago. Noong una, gusto raw nilang makipag-alyansa samin pero ang totoo, ninakawan pala kami. Buti nalang at naagapan sila kaagad ni kuya."
Nang marinig ang sinabi niya ay hindi ko rin mapigilang mainis. Naging importante na rin sakin ang mga tao sa lugar na 'to.
"Hindi ba nagpadala ng sulat ang kaharian sa kanila tungkol dito?" tanong ko.
Umiling siya. "There's already a political tension between Yngrassia and Al-Sahil, ayaw na nilang dagdagan pa."
I see. Back in To Be With You, during the civil war between the rebellion led by Heinz and the kingdom's forces, Al-Sahil took advantage of Yngrassia's weakened state, declaring war.
Unfortunately, their interference became the subject of Heinzal's unfathomable sadistic wrath.
Rampaging in pit-black rage, the villain stormed Al-Sahil and because of it's natural blistering heat and geography, the ill-fated kingdom burned to the ground with ease.
"Anastasia?"
Napabalik ako sa ulirat nang may tumawag sa pangalan ko. "Ha?"
Kumunot ang noo ni Siri. "Sabi na nga ba, hindi ka nakikinig!"
Nag-peace sign nalang ako. "Sorry, ano nga 'yon?"
Napabuntong-hininga siya. "As I've said, the most possible reason why that kingdom stole from ours must probably because of their alarming food shortage."
Oo nga pala, nasa disyerto sila. Wala silang masyadong makakain doon.
"I also heard that most of their oases have dried up considerably," dagdag niya.
"So that's why," naisambit ko habang napaisip nanaman. Kaya pala atat na atat silang masakop ang Yngrassia noon.
Hindi kami nagtagal at nagmadali ring umalis. Iritang-irita naman si Heinz sa ginawa ng mga Sahil pero pinanatili pa rin niyang kalmado ang mukha niya. Naririnig ko pang kung ano-ano nalang ang inuutos niya, matulungan lang ang Larona.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...