Chapter XI- The Abduction

623 24 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

Naalimpungatan ako sa tunog ng tiyan. Nagugutom ako.

Saka ako dahan-dahang napabangon at napansing hindi ko kwarto to.

May malaking kama kung saan ako ngayon, may aparador, lamesa, upuan  at maliit na bintana.

Okay naman siya. Malinis at maaliwalas ang paligid. Hindi siya magara.

Saka ko naalalala. Nakidnap ako!

Agad akong lumaoit sa pintuan at pinihit ito. Bukas!

Tanga-tangang mga kidnapper.

Dahan-dahan akong lumabas. Ang dilim. Gabi na siguro.

Kailangan kong makatakas.

"At san ka pupunta?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kung sinuswerte ka nga naman.

Nilingon ko ang nagsalita. "Ano, nagugutom na kasi—."

Halos lumipad na ang kaluluwa ko ng makita ang isang higanteng mama sa harap ko.

Hanggang bewang niya lang ako. Grabe, ganyan na ba ako ka pandak?

"Talaga ba?" biglang sabi niya.

Nanigas ako ulit. "O-Oo, grabe, gutom na talaga ako."

Tumalikod siya. "Sumunod ka sakin." Saka siya naglakad sa kadiliman.

Napalunok ako. Susunod ba ako? Ang tanga ka ba Anastasia? Sinong matinong tao ang sususunid sa kanya?!

"Gutom ka ba o hindi?"

Nagulantang ako sa pagsalita niya. "G-Gutom!" Saka ako nagmamadaling sumunod.

Oobserbahan ko muna sila. Kailangan ko ring malaman kung saan nila ako dinala.

May kinalkal siya sa kadiliman at di nagtagal, biglang lumiwanag. May hawak-hawak na siya ngayong lampara.

Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sumunod ako.

Kinakabahan ako. I-rerape ba nila ako? Kukunan ng lamang loob? O baka, ako ang lulutuin niya?!

Napabuntong-hinga ako. Kalma, Anastasia. Isipin mo, mas delikado si Heinzal kaysa sa kanila. Siya kaya ang konteabida dito.

Dahil dun, napakalma ako.

"Mag-ingat ka, may hagdan," biglang sabi ng mama.

Saka ko lang namalayang isang hakbang nalang ay mahuhulog na ako.

Dahan-dahan kaming bumaba. Di nagtagal, nakarinig na ako ng mga boses na nagtatawanan.

Napalunok ako. If worse comes to worst, ilalabas ko nalang ang lahat ng natitira kong kapangyarihan.

Binuksan niya ang isang pinto. Lumiwanag naman. "Pasok," sabi niya.

Ilang beses pa akong napalunok ulit bago pumasok.

At halos magulat ako sa nasaksihan.

Maraming tao sa loob. Commoners. Pero ang talagang nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga bagay sa lamesa. Mga pagkain.

"Mathew, buti andito ka na," sabi bg isang matandang ale saka napalingon sakin. "Halika, sumabay ka samin." Nilapitan niya ako at hinila sa bakanteng silya.

"Hindi iyan kasing gara ng mga pagkain niyo pero atleast may pagkain," sabi ng isa pang babaeng halos ka-edad ko lang. "Wag kang maarte."

Tumango lang ako.

Hinainan naman ako ng kanin nung ale. "Ako nga pala si Martha."

Tumango ako ulit. "Anastasia."

"Alam namin," sabi niya. "Kumain ka na."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon