ANASTASIA LEONHART
Andito ako ngayon sa loob ng selda ng palasyo ng mga Heathcliff kung saan ikinulong ang mga rebeldeng nahuli nila.
Nagtanon-tanong ako kanina tungkol sa kanila at nang malamang nandito lang pala sila, pinakiusapan ko si Heinz na dalhin ako rito. Gusto ko silang makausap.
Pareho silang mga walang kabuhay-buhay ang mata.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa isang mamang nakakadena pero hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kawalan.
Hinarap ko ang mga kawal. "May naka-marka bang koronang itim sa katawan nila?" tanong ko.
Mukhang nagulat sila sa sinabi ko dahil napakurap-kurap sila at nagkatinginan pa na parang nagtutulakan kung sinong sasagot.
"Yes, my lady. They have," sagot ng isang lalaking mukhang nasa mid 40s na. May bigote ito at halata sa tindig ang estado at bihasa nito sa pakikipaglaban. Kakadating niya lang mula sa labas.
Nang makita si Heinz sa tabi ko ay agad siyang yumuko. "Oh, pardon me. Greetings your royal highness and to you, young lady Leonhart," bati niya. "I'm lord Theodore Hellington from the Hellington viscounty, also the knight commander of the Heathcliff household."
Tinaas ko ang saya ko saka yumuko. "Greetings to you as well, lord Hellington."
Tumango naman siya bago nagsalita. "So, my lady, how did you know about the mark?"
"I saw someone like that, my lord," sagot ko. "They have similar— the same symptoms. A work of dark magic."
Alam kong may marka sila dahil ganun na ganun ang nangyari sa To Be With You.
"Which means, they're only victims," dagdag ko bago siya hinarap. "Wala ba kayong paraan para palayain sila?"
Umiling siya. "The Magic Institute is working on it. As of now, no matter how many times we questioned and tortured them, there's no response," sambit niya na ikinangiwi ko ng palihim.
Napatitig lang ako sa mga rebelde. "Say, wala ba kayong nakitang nakamaskara?"
"Nesa, you don't want to know," sambit bigla ni Heinz na nananahimik lang sa isang tabi.
"Bakit naman?" takang tanong ko.
Nagkatinginan sila bigla ni lord Hellington.
"It's... a little weird," paliwanag niya. "Will you be okay?"
Nabahala tuloy ako sa sinabi niya. Bakit? Anong nangyari sa nakamaskara?
Tinapangan ko nalang ang sarili ko saka tumango. "I will."
Dinala nila ako sa isang selda. May dinukot namang susi si lord Hellington saka binuksan ito.
Pagpasok namin, halos manigas nalang ako mula sa kinatatayuan ko.
Isang manika. Nakahiga ito sa kama na walang kutson habang nakakadena ang magkabilang kamay at paa.
Pinagloloko ba ako nito?
Lumapit ako saka ito tinignan. Maynika nga! Gawa ito sa kahoy na nasunog. May dalawang maiitim na butas sa mukha nito na nagsisilbing mata. Walang itong ilong pero may ngipin na nakadikit at pinormang bibig.
Sunog na ang damit nito pero namumukhaan ko pa rin ito. Pareho sila nang sinuot nung nakamaskara.
Sa tabi niya naman nakalagay ang sira-sirang maskara.
Kinilabutan tuloy ako. Sigurado akong hindi ako nagkakamali. Malinaw pa sa ala-ala ko ang ngisi nito sa ilalim ng nabiak na maskara.
Tao yung nakasalamuha namin, hindi maynika.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...