Chapter XX- Dreams And Visions

508 17 4
                                    

ANASTASIA LEONHART

"Nag-away nanaman ba kayo?" bungad sakin ni Sab pagkarating ko sa room.

Napairap ako. "Ewan ko sa kanya!"

Padabog akong naupo saka nagtalukbong.

Dinala ako ni Heinz kanina sa isang restaurant. Ang sarap na sana ng kain namin pero hindi niya na talaga ako inimik hanggang sa makabalik na kami sa academy.

"Hay, ako ang naii-stress sa inyo," pagbuntong-hininga ni Sab. "Ano bang nangyari? Baka may maitulong ako."

Nakasimangot akong lumingon sakanya. "Ganito kasi yun..." Kinuwento ko sa kanya ang naalalaa ko simula sa letter ng magic institute.

Nanlaki ang mata niya. "Eh gaga ka pala eh!" singhal niya.

Pinanlakihan ko rin siya ng mata. "Anong sabi mo?"

"He's just worried about you," paliwanag niya. "Ano bang hindi mo naintindihan dun?"

Ha?! Si Heinz, nag-aalala sakin? Impossible!

Para akong nangilabot sa pinagsasabi niya. "That's ridiculous!"

"What?" Kumunot ang noo niya. "You're being ridiculous."

"Ano?!" Naguguluhan na talaga ako. "Sabrina, are you out of your mind? Why would he be worried about me?" Papatayin nga niya ako in the future, my god! Nababaliw na ba tong si Sabrina?

"Why would it be?" takang tanong niya. "You're his fiancé, of course, he wants to be with you."

To be with you...

To be with you...

To Be With You...

Napailing ako. Sabrina, ano ba naman yan?

"He's just not expressive," dagdag pa niya. "You're important to him. Okay ka lang? Fiancé mo ang pinag-uusapan natin dito, the 2nd prince, in fact, but you're acting as if he's a stranger. Naalala mo nung na-kidnap ka? I believe you of all people should know how miserable he must be when he lost you."

Natahimik ako.

“I...” natameme ako. I know that very well. Bumalik sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari nang makita niya ulit ako. Kung paano siya nanginig habang yakap-yakap ako ng para bang ayaw niya na akong bitawan pa.

Nanguyom ang kamao ko. But he's Heinz. He's Heinzal Versailles, the man destined to kill me. So how could he?

Napabuntong-hininga si Sab. "I think you should clear your head. Baka kulang ka lang sa tulog."

Tumango nalang ako bago kami binalot ng katahimikan.

Sabrina, if only you knew.

"Welcome back!" sigaw ng mga Heathcliff pagkapasok ko sa theatre room sabay saboy sakin ng mga magkakaibang talulot ng bulaklak.

"Kailangan talagang may paganito?" reklamo ko. "Para namang di tayo nagkita sa palasyo kumakailan lang!" sabi ko nga pero di ko mapigil-pigilan ang ngisi sa labi ko.

Aba, feel na feel ko ang pagpapa-grand entrance nila.

"Syempre ngayon ka lang nakabalik sa club, dapat lang na i-welcome ka namin noh?" gatong Yuuri.

Isa-isa nila akong nilapitan at binigyan ng bulaklak. Hindi ba sila nagsasawa sa bulaklak? 

Iiling-iling akong napangisi. "Thanks guys, I'll never forget this."

Nagtama ang tingin nammin ni Mozart at tinanguan niya lang ako.

Nang si Mikael na ang lumapit, nagtaka ako nang isang makapal na papel ang binigay niya sakin.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon