Chapter LXXXIII- On To Naraheld

121 5 2
                                    

"And we pretended it could last forever."

-Taylor Swift

_______________

Southern Forest of Leonhart Dukedom
Evening

Nandito kami ngayon sa isang abandunadong tavern sa gitna ng kagubatan. Mababakas ang kalumaan nito at iilang mga lumot at agiw na kumakalat sa paligid.

Pinainom naman ako nina Sabrina ng mainit na tubig para pakalmahin ako habang nagpa-plano kami para sa susunod na hakbang.

Natatakot na talaga ako.

"If there is one country who can stand against the Versailles', it would be Eaux, the kingdom of waters," pagdidiin ni Nicol.

"No, like I said, the Versailles and Beaumont royal families have close ties, we can't ask them for help," gatong naman ni Mikael.

"Well, you five are Versailles royalty too," sarkastikong wika ni Nicol bago napalingon kay Lanc. "I mean, six."

Sumasakit ang ulo ko sa pagbabangayan nila kaya sumabat na ako. "Gentlemen, if you're looking for water affinity wielders, I bet my life on Larona Isles. There are atleast tens of thousands of them and have sworn loyalty to me."

Tumaas ang kilay ni Mikael. "Are their affinity combined, enough to topple down Heinzal's flames?"

"Yeah, to beat a prodigy, we need another—" Natigilan si Nicol na parang may napagtanto.

Bigla nalang silang natahimik at nagkatinginan bago napalingon sa 'kin.

Nagtaka tuloy ako. "Ba't ganyan kayo makatingin?"

Unang nakabawi si Nicol. "You're a prodigy and your affinity is water. You're the only person there is who can defeat the strongest wielder in Yngrassia, Heinzal."

Napakurap-kurap ako. I never thought about that.

Napailing naman si Mikael. "But having them fight against each other who were once so inlove is way too tragic."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung seryoso o inaasar niya ako.

"Things have gone too far for the both of them," singit ni Sabrina. "So please boys, stop mentioning these things infront of Anastasia. Matuto naman kayong makiramdam."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Kailangan kong... maging matatag.

Natahimik kami.

Sa hindi inaasahang himala, ang kanina pang nananahimik na Mozart ang bumasag ng katahimikan.

"Can't we just discuss our escape plan first before that?" tanong niya.

"Buti pa nga," gatong ni Yuuri.

Bumuntong-hininga naman si Mikael bago may hinalungkat sa bag niya. Ang mapa ng Yngrassia. Binuklat niya ito at sabay kaming natigilan ng may kakaiba kaming nakita rito.

Nagsalubong ang kilay niya sa inis. "Sinong gumawa nito?!"

Ang mapa kasi, may mga linyang ginuhit mula sa pulang tinta. Binilugan pa ang Leonhart duchy habang may nakasulat na 'start' sa ibabaw nito bago may linyang kumonekta nito sa isa nanamang bilog na may nakasulat na 'lawa' sa taas.

Naningkit ang mata ni Mikael. "Teka, kilalang-kilala ko ang sulat-kamay na to ah?" sambit niya sabay mabilis na inangat ang tingin kay Navis na biglang nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol pa sa ere.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon