Chapter LX- The Abandoned Village

225 9 3
                                    

"And she was... all he ever lost."

ANASTASIA LEONHART

Pumunta kami sa magulong town.

"Stay close to me, alright?" sambit niya. "Hey!"

Tumakbo ako patungo sa malaking platform sa gitna ng bayan kung saan dito nagpe-perform ang mga musikero, troupes, mananayaw at iba pa kung may festival dito.

Huminga ako ng malalim bago malakas na sumigaw. "Hello, Gravine!"

Kadalasan sa kanila ay napahinto at napatingin sakin.

"It's lady Anastasia!"

"My lady!"

Nagtakbuhan sila palapit sakin.

"May I have your attention please?!" tawag-pansin ko sa kanila. "Alam po namin kung anong nangyayari ngayon."

"Ano?!"

"Hindi po namin kayo tinatakot pero gawa po ito ng dark affinity," sagot ko na ikinasinghap nilang lahat.

"Naalala niyo ang mga nawawalang bata four months ago?" sambit ko pa. "Para po yun sa isang ritwal kung saan kokontrolin nila ang isip ng mga tao."

Nagsi-singhapan nanaman sila.

"Kaya pala!"

"Nakontrol yung asawa ko!"

"Wala bang paraan para matigil ang ritwal?!"

"Meron!" sagot ko. "Ang tanging paraan lang po ay sunugin ang bangkay ng mga bata."

"Ano?!"

"Pero wag po kayong mag-aalala," pag-aalo ko. "Burning the children's corpse is also a part of burying them. May gumagawa po nito sa ibang kaharian na sinusunog nila ang bangkay, umaasang ang apoy ang magdadala ng mga panalingin nila para sa mga namatay sa langit."

Nagbulungan sila.

"We will still respect your deceased loved ones. We will offer a mass prayer for their souls and give their ashes a proper burial." Yumuko ako. "I hope you'll consider and cooperate for each and everyone's safety."

Nagkatinginan sila, nananahimik bago...

"Tara, tara, magsikilos na tayo!"

Nagtakbuhan sila palayo.

"Well, I'm impressed," sambit ni lady Dominique na nasa tabi ko na pala. "The commoners really trusted you to a fault."

Napakunot ang noo ko. "Huh?"

Umiling lang siya. "Nevermind. Let's just move. And dami mong pinagsasabi na wala sa plano. You're giving us more work."

Napangiti nalang ako. Yung 'mass prayer' ata ang tinutukoy niya. Kailangan kasi naming maghanap ng priestess para dun. May susundin pang specific program para sa prayer.

"Come on, move," sambit pa niya.

Ilang oras naming hinanap sina Nicol at Elizabeth hanggang sa matagpuan naman sila sa isang pagamutan.

Abala sa paggagamot si Elizabeth doon habang pabalik-balik sa paglalakad si Nicol, naiinip na. Para naman siyang nabuhayan ng loob ng makita kami.

"Nicolis, Elizabeth, let's go!" singhal ni lady Dominique.

"P-Pero—"

"We're on a mission Elizabeth!" putol niya. "Let those doctors do their jobs."

Napipilitan namang iwanan ni Elizabeth ang sugatang bata saka sumama samin. Mabibilis ang mga hakbang namin palabas.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon