ANASTASIA LEONHART
"My lady, sigurado ka ba rito?" tanong ng tagapagsilbi habang kargang-karga ang mga pinamili ko.
"Syempre naman, Vanessa," sagot ko. "They're important to me."
"You see..." Inangat niya ang mga ito. "They're just books. Novels, to be exact."
Kinuha ko yun. "Kaya nga importante sila, Vanessa naman."
"Lady Anastasia." Bumuntong-hininga siya. "Ano nalang ang sasabihin nina madame pag nalaman nilang nawili ka nanaman nito?"
Nginisihan ko siya. "So?"
"My lady!" singhal niya. "Ni minsan, hindi ka pa naka-pasa sa mga exams mo!"
Lumabas na kami ng bookstore.
"Ano naman ngayon?" nakangiti kong tanong.
Napagulo nalang siya sa buhok niya. "Argh! Lagot ako nito!"
"Vanessa, relax." Natawa nalang ako. "Para namang may mangyayaring—"
"Hoy, ilag!"
Paglingon ko, papasalubong sakin ang isang rumaragasang karwahe habang nagwawala ang kabayong humihila nito.
"L-Lady Anastasia!"
Nanlaki nalang ang mata ko. Huli na para tumakbo. Kita ko nalang na pilit hinihila ng kutsero ang rehas ng kabayo bago tumagilid ang karwahe at nabangga ako.
Natumba ako sa kalsada.
Wait. This scene seems familiar. Parang nangyari na to sakin ah? Gusto kong hanapin ang sagot pero unti-unti na akong nawawalan ng ulirat.
"My lady!"
"Miss!"
"This is a hopeless case."
"Hindi siya magtatagal."
Tumunog ng malakas ang makinarya.
"Bilisan niyo, mamamatay ang pasyente!"
Mamatay?
Oo nga pala. Namatay ako.
Nabangga ako ng isang rumaragasang truck habang naglalakad ako papuntang school.
Pagkatapos...
Pagkatapos...
Bigla akong nagising. Oh my gosh! Naalala ko ang lahat. Namatay ako!
And for some reasons, nabuhay ako muli sa ibang katawan, bilang si Anastasia Leonhart.
"So you're awake."
Napalingon ako sa lalaking kakapasok lang ng kwarto. Maputi siya, maitim ang buhok at may pulang mata. Sino to?
More importantly, shemay. Ang gwapo!
"Anong nangyari?" tanong ko. Hindi ko kilala ang lalaking to!
"Bigla ka nalang tumawid." Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry. My carriage hit you."
Oo nga pala. Naaksidente ako kanina.
"Okay lang." Nag-peace sign ako. "Tinulungan mo naman ako."
Natahimik siya saglit. Maya-maya, kumunot ang noo niya. "Well, it wouldn't have happened if you didn't recklessly cross the road."
Teka. Sinisisi ba ako nito?
Bago pa ako makaangal, biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaking blonde, nilinga-linga ang paligid hanggang sa huminto ang mala-asul niyang mata sakin.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomansaI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...