Chapter LIX- Dire In Gravine

141 7 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

"Dito?!" banas na banas na tanong ni Nicol habang nakatingin sa isang kainan sa harap namin. A commoner's eatery—practically street food.

Akala ko kung ano nang gagawin niya samin ni Elizabeth. Dahil mukhang papaiyak na ito ay napilitan siyang pumayag na kakain nalang kami sa kung saan namin gusto para hindi na ito tuluyang umiyak.

"Masarap yan no," sambit ko. "Don't underestimate cheap foods."

Naglakad na ako at lumapit sa tindera na biglang nanlaki ang mata pagkakita sakin.

"My lady!" masiglang tawag niya. "Nandito ka na pala, ang tagal mong bumalik!"

"Hello po nay!" bati ko. "Pwede pa bang maki-order?"

Nadiskubre ko ang kainan niya noong bata pa ako. Naligaw kasi ako nun nang magutom ako. Sakto namang naamoy ko ang luto niya kaya sinundan ko ito hanggang sa napadpad nga ako rito.

"Syempre naman iha, ang usual ba?" nakangiting sabi niya.

Tumango ako. "Tatlong servings po sana nay, para sa mga kasama ko."

Agad niyang niluto sa parang barebecue-han ang maliliit na karne bago tinuhog sa stick. Binuksan niya ang isang kaldero saka sumandok ng fried rice habang sa kabilang kaldero naman ay sinabawang pansit na may itlog.

Nagningning naman sa tuwa ang mata ni Elizabeth bago ako tinulungang bitbitin ang mga pagkain at dinala sa isang lamesa.

Hinarap ko ulit si nanay Emela. "Thank you po," nakangiting sabi ko sabay turo kay Nicol. "Siya magbayad."

Napilitan namang lumapit si Nicol saka padabog na nilapag sa harap niya ang isang gintong barya. "Keep the change."

Napanganga nalang ako. Ang rude! Mas sumingit pa siya lalo ngayon!

Nag-sorry nalang ako kay nanay na mukhang tuwang-tuwa sa isang gintong barya. Kung ico-convert ko yun to filipino money, one gold coin would amount to about twenty thousand pesos.

"My lady, this is really good!" komento ni Elizabeth pagdating ko sa lamesang napili niya. Tong babaeng to, hindi manlang ako hinintay at nauna pang sumunggab.

Umupo nalang din ako at di maiwasang mapatingin kay Nicol na ang sama-sama ng tingin sa fried rice.

"Arte mo, masarap nga yan," naasar kong sabi sa kanya.

"Hindi ako maarte!" singhal niya. "It's just..." Napatitig pa siya rito bago napailing nalang at dahan-dahang kumain.

Daming sinasabi, kakain din pala.

Napairap nalang ako saka binalingan ng tingin si Elizabeth na parang batang kumain.

"Elizabeth, may mas maganda pang paraan pa para mas sumarap yan," sambit ko.

Napahinto naman siya. "Really? How?"

Kinuha ko ang garapon sa lamesa na naglalaman ng sauce saka nilagyan ang karne bago ito pinaghihiwa, hinalo sa fried rice saka binuhusan ng sabaw.

"Tada!" Nilahad ko ang kamay rito. "Eat up while it's still hot!"

Nakangiti naman niya yung kinain at ilang beses sinasabing 'ang sarap!'.

Nilingon ko naman si Nicol para sana gawin din yun sa kinakain niya nang mapansing nagawa niya na yun.

Sinunod niya pala ako.

"Akala ko ayaw mo?" mayabang kong tanong nang mapansing ang bilis niyang sumandok.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Wow, sinabi ko bang gusto ko? Di pwedeng gutom lang? Ang pangit kaya ng lasa."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon