"All is lost in love and war. Sometimes, we realize a little too late and regret a little too much."
ANASTASIA LEONHART
Napabuntong-hinga nalang ako habang tahimik na kumakain. "Ano ba talagang nangyari Sabrina?"
"Wala," halatang pagsisinungaling niya.
Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil kahit hindi siya obligado sakin ay nandito pa rin siya't tinulungan ako.
Siya pa nga ang nagluto para sakin.
Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng iba.
Lahat ng mga ginagawa niya, dati'y ginagawa ni Heinz. Siya dapat ang nandito, siya dapat ang nagluto ngayon.
Hindi naman sa affected ako. Well, konti.
Iba kasi yung pakiramdam na nasanay ka na sa isang bagay tapos bigla nalang itong mawala.
Napailing nalang ako sa mga pinag-iisip ko at hinarap ulit ang sinungaling na Sabrina. "Di nga Sab, ano ba talagang nangyari?
Nagtaka ako kung bakit hindi siya pumapasok ngayon. Turns out, suspended pala ang klase. But I don't know why. That's when I figured something is definitely wrong.
Napabuntong-hinga nalang siya, sumusuko. "You flooded the entire building. The staffs are busy cleaning the area."
Parang hindi pa na-proseso sa utak ko ang nangyari. Napatingin ako sa kanya. "Pakiulit nga."
Napapikit siya. "Ang sabi ko, binaha mo ang buong campus."
Nagulat ako. "Ano—" Nabilaukan ako.
Agad naman niya akong binigyan ng baso.
Dali-dali ko yung ininom ng mapagtantong wala yung laman.
Inis ko yung hinagis sa kanya saka sinuntok ang dibdib ko. Ang sakit!
Nanlaki naman ang mata niya saka yun sinalinan ng tubig at binigay ulit sakin.
Agad ko yung ininom at napaubo-ubo. "Langya ka, Sabrina!"
"Sorry naman," balik niya.
Napailing nalang ako saka siya tinignan ulit. "Pero seryoso ka, Sabrina?" tanong ko. "As in ang buong campus? Nilunod ko?"
Tumango siya.
Napatingin ako sa kamay ko. "Oh my god, ito na ba ang talent ko, Sab?" mangha kong sabi.
"Hindi, nagkataon lang talaga," sabi niya.
Then a sudden realization hit me. Natigilan ako. "Then it means..." Napahawak ako sa ulo. "Lagot ako sa headmistress!"
Napangiwi siya. "Oh yes. That, too."
Naalala ko rin ang mga sinabi ng mga babae, yung panaginip ko, si Heinz..
Nakaramdam ako ng kakaibang takot.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko dito sa dorm. "Ayoko na, uuwi na ako!"
Unfortunately, I'm not that Anastasia.
It just occured to me. Hindi dahil sa engaged sila kaya pinatay ni Heinz si Anastasia. Pinatay niya ito dahil may nagawa si Anastasia kay Elizabeth.
At ngayon, ako na ang sinisisi nila sa nangyaring kamuntikang pagkamatay niya.
Napahinto ako at nagtalukbong nalang ng kumot. I'm scared.
"Anastasia," nag-aalalang tawag sakin si Sabrina.
"I'm fine."
I appreciate her concern for me. But the truth that she's just another character of this story makes me feel alienated.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...