"If falling is worth it, please catch me when I do."
-perry poetry
ANASTASIA LEONHART
Bigla nalang siyang umatras. "Why are you giving this to me?" tanong niya. "It's yours. Hindi mo 'to kailangang ibalik."
Kinumot ang puso ko sa naging reaksyon niya. Para siyang maiiyak. He's scared. He's scared to get rejected again.
"It's not—"
Bigla niyang hinila ang kamay ko at pinatong doon ang singsing. "Kunin mo. Sayo yan."
Napailing-iling nalang ako. "Hindi yan ang ibig kong sabihin, Heinz."
Napatingin siya sakin, naguguluhan.
Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang kamay niya na hinila niya naman palayo.
"Heinz!" singhal ko sa kanya.
Napahilamos naman siya sa mukha bago ako hinayaang hilain ang kamay niya. Nilagay ko ulit ang singsing doon.
"Listen carefully to what I have to say." Tinignan ko siya sa mga mata niya. "Isinauli ko to sayo dahil... gusto kong—" Napalunok ako. "Gusto kong ikaw mismo ang magsuot sakin nito ulit."
Unti-unting bumalik ang kulay sa mukha niya.
"Is that okay?" tanong ko.
Napayuko siya bago tumango. "Yeah."
Malumanay akong napangiti sabay lahad ng kaliwang kamay ko sa kanya. "Here." Alam kong ang kapal-kapal ng mukha kong tanggapin ulit ang singsing niya.
I know I don't deserve it.
But, I want him to be happy. Ayoko nang saktan pa siya.
Tinanggap niya ang kamay ko saka hinawakan ng mahigpit.
Nang akmang isusuot niya na ang singsing ay bigla siyang huminto.
Nagtaka tuloy ako. "Heinz?"
Pag-angat ng ulo niya, sumalubong sakin ang seryoso niyang mukha. "Are you sure about this?"
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"I mean..." Nilayo niya ang singsing saka nilaro-laro yun. "If you wear this again, you'll really become mine. Do you—"
"I do," putol ko sa sasabihin niya. "I'll be yours but..." Seryoso ko rin siyang tinignan. "Only if you're willing to be mine as well."
Dahan-dahan siyang ngumiti. "I always have."
Napangiti na rin ako saka ininat ang daliri ko. "Aba dali! Ano pang hinihintay mo?"
"Sigurado ka talaga?" paninigurado niya.
Palihim nalang akong napangiti. "Oo nga." Dati, ginagawa niya lang kung anong gusto niya, ngayon tinatanong niya na ako.
"Even though I'm a murderer?"
Natahimik ako.
"Kahit pa ilang buhay na ang tinapos ng mga kamay kong nakahawak sayo ngayon?" tanong niya pa.
Napabuntong hininga nalang ako saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi. "Alam mo ba kung anong pinagsisihan ko ngayon?"
Hinawakan niya ang kamay ko. "What?"
"Hurting you." Parang may bumara sa lalamunan ko kaya napalunok ako. "Hindi ko man nagustuhan ang ginawa mo, ginawa mo naman yun para protektahan ako. Pero naging sarado ang isip ko. Nagpadala ako sa takot. Hindi ko manlang inaalala ang mga ginawa mo para sakin."
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...