Chapter LVIII- The Mission Begins

156 9 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

Nandito ako ngayon sa Institute—kami pala ni Elizabeth. Pilit naming inaalo si lady Dominique na halos ayaw nang lumabas sa opisina niya.

"I'm gonna get killed, I'm gonna get killed..." Yan ang paulit-paulit niyang sinasabi.

The wine she drank a week ago was actually imbued with magic at ngayon lang siya nabalik sa dati.

"Kakausapin ko ang prinsipe my lady," pag-aalo ko pa. "Sigurado pagtatawanan ka lang nun."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Is that supposed to make me feel any better?"

"Ang importante, hindi ka niya papatayin, di ba?" gatong ni Elizabeth.

Napabuntong-hininga nalang siya saka umayos ng upo. "I guess there's no use sulking. Nangyari na ang nangyari."

Tumango-tango kami ni Elizabeth.

"I'll just go talk to him and apologize properly," dagdag pa niya.

Tatango na sana kami nang magsalita si Lord Evon sa labas ng pinto. "Lady Luxeraude, his highness, the crown prince is—"

Hindi pa siya tapos magsalita nang biglang nagtago si lady Dominique sa ilalim ng lamesa.

"Tell that lunatic I'm not here!" utos niya.

"Pardon?" takang tanong nito. "Lunatic?"

"I mean, the crown prince!" paliwanag niya.

"Your highness, her ladyship is not here," sambit naman ni lord Evon sa labas ng pinto.

Napatampal nalang ako sa noo.

"Yung kausap mo nalang sa loob ang kakausapin ko," sagot naman ng isa sa labas.

Pagkasabi nga niya nun ay pumasok siya sa loob kaya napayuko kami ni Elizabeth at sabay siyang binati.

Ang laki-laki ng ngiti niya. "Nasaan na yung tumawag saking baliw?"

Nagkatinginan naman kami ni Elizabeth bago tinuro ang lamesa.

Taas noo siyang naglakad at umikot sa likod nito saka umupo. "Ay, sino ka?!" tila gulat na gulat niyang tanong. "I thought lady Dominique's not here? May kambal pala—"

"Shut up!"

Napatikom nalang ako sa bibig. Ba't ba ang tabil ng dila niya?!

Buti nalang at tumawa lang si kuya Vanklov at hindi nainsulto. "Labas ka na nga diyan, may atraso ka pa sakin."

"What? I don't owe you anything."

Lumapit ako. "My lady, diba kakasabi mo pa lang na manghihingi ka ng tawad sa prinsipe?"

Nanlaki ang mata ni kuya. "Ay talaga? Asan na sorry ko?"

Pinipigilan kong wag matawa. Sorry, my lady.

"S-So..."

"Ha?" tanong ni kuya. "Ano?"

Lumapit rin si Elizabeth para makarinig.

"Sor..."

Kumunot ang noo niya. "Ano ba yan, di kita mari—"

"I said sorry!" bulyaw ni lady Dominique.

Pagkarinig nun ay kumaripas ng takbo papasok si lord Evon saka lumuhod nanaman sa harap habang nakadikit ang noo sa sahig.

"Have mercy, your highness!" sambit niya. "Our lady is still not fully recovered! Please, have mercy!"

And Vanklov being Vanklov, umupo siya sa upuan ni lady Dominique habang nagmamatigas. "Ayoko. Palabasin niyo muna siya diyan."

Tumakbo naman si lord Evon saka nakipaghilaan kay lady Dominique sa ilalim ng lamesa.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon