It took atleast an hour.
Almost everyone failed to notice.
No.
More like, they failed to remember the phenomenon that struck us that day that changed the course of history.
Because actually, time suddenly rewinded itself. Every detail involving Dominique and her wicked schemes somehow vanished, as if it never happened.
As if the war never existed in the first place.
Lahat ng mga namatay dahil sa kagagawan ng dark affinity ay nabuhay ulit na parang walang nangyari.
It's like Dominique... never existed.
Only a few had remembered, those people who heard her last wish to the goddess.
No'ng nagbago ang oras, bigla akong napunta pabalik dito sa mansyon ng mga Leonhart. Mukhang kung walang digmaang nangyari no'ng panahong 'yon, nasa bahay lang ata ako at nagpagulong-gulong sa kama. Kaya sa mansyon ako bumalik.
"Anastasia, may—"
Bigla nalang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at nagtatakbong lumapit ang isang bubwit.
"Eww, eww!" sambit ng batang babae at yumakap sa saya ko. Naka-pigtails pa ang buhok nito at suot ang isang maliit na baby blue gown. Para pa itong nanggigigil na hinimas-himas ang mukha sa saya. "Eww!"
Pero ewan ko ba. Parang iniinsulto ata ako ng batang 'to ng 'di ko alam.
"Valerie!" sita ni Vanessa.
Kinarga ko ang bata na mukhang tuwang-tuwa naman sa ginawa ko. "It's okay, Vanessa."
"Hindi, hindi!" katwiran niya saka pilit hinihila palayo ang bata. "Pag 'tong anak ko, nagiging spoiled, kukutongan ko talaga kayong magkakapatid!"
Ngumisi lang ako. Tama, ang totoong pangalan ng bubwit ay Valerie Afara Leonhart, anak nina Vanessa at kuya Anstafar.
Sa bagong timeline, pilit nilang ipinaglaban ang isa't isa laban kay papa na kinunsenti at pinagtulungan pa naming magkapatid. Sa huli, wala nang nagawa si papa kundi tanggapin ang minahal ng panganay na anak.
Nang ikinasal silang dalawa two years ago, ipinaubaya na ni papa ang duchy sa kanila at maagang nag-retire sa isang rest house namin.
"Ano nga palang sadya mo rito, Vanessa?" pag-iiba ko nalang sa usapan. "Hindi na kita maid."
"Oh right." Kinarga niya si Valerie na ngayo'y isang taong gulang pa lang. "May bisita ka sa baba. May gusto raw'ng kumausap sa 'yo."
Nagtaka ako. "Ha?"
Nag-ayos muna ako sa sarili bago bumaba. Naabutan ko sa may sala ang isang matangad na lalaki. Prente itong nakaupo habang naka-dekwatro. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng tabloid.
"Nicol?" tawag-pansin ko sa kaniya.
Binaba niya ang papel saka tumingin sa 'kin. "My lady." Tumayo siya saka yumuko. "Pardon for the short notice."
"I do npt mind at all." Umupo ako sa harap niya. Ang pormal namang magsalita ng isang 'to. "What brings you here?"
Nicol is one of the few who remembered what really happened. I already forgave him but forgiving and forgetting are two different things. I could neverforget what he did. To me, to Heinz.
"My fellow acquintance wished to speak with you."
Napasulyap ako sa paligid. Wala namang tao. Sinong tinutukoy niya?
"Analise."
Natigilan ako nang marinig ang pangalang 'yon. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at natagpuan siyang nakangiti.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomantizmI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...