ANASTASIA LEONHART"Did you hear?"
"Prince Heinzal and lady Anastasia had an argument."
"Bakit daw?"
"There was a rumor that the prince had an affair with the commoner."
"That girl?"
"Ang sabi-sabi, tinulak daw ni lady Anastasia yung commoner mula sa second floor dahil sa selos. "
"Buti nga yun sakanya, ang landi."
Nanggigigil ako sa inis habang pinapakinggan ang dalawang chismosang nag-tsitsismis sa isang tabi. San ba nila nakuha ang istoryang iyan?!
"Hayaan mo na, Anastasia," sabi naman ni Sab na kasama kong nakikinig. "Alam mo namang totoo."
Pero kasi, bakit ang aga naman nangyari ang eksenang to?!
Kinakabahan ako. Sa nangyari kasi sa To Be With You, sa next chapter pagkatapos mag-away ni Heinzal at Anastasia, ay ang death scene na ni Anastasia.
Mamamatay na ako!
"Hoy Tash, Tash! " tawag sakin ni Sab.
Napabalik naman ako sa ulirat. "Ano?"
Napabuntong-hinga siya. "Halika na, magsisimula na ang klase."
Pilit ko nalang iniling ang ulo ko para maibsan ang kaba saka sumunid na sakanya.
Pero kinakabahan talaga ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I never should have had myself involved with Elizabeth.
"Narinig mo, tinulak daw ni lady Anastasia yung commoner."
"May ugali talagang tinatago ang mga tao. No wonder galit na galit si—"
Natahimik sila nang makita ako.
Stress na stress na nga ako sa nalalapit kong pagkamatay, dadagdag pa ang mga haliparot na to.
Gusto ko silang bulyawan pero pagod na pagod na talaga ang utak ko.
Napabuntong-hinga nalang ako saka umalis.
Inis ko namang nilantakan ang pagkain pagkarating namin sa cafeteria.
"Maraming tao, Tash, dahan-dahan lang," pagpapakalma ni Sabrina.
Napabuntong-hinga ako. Kahit papano, I'm still a noble. May pangalan akong kailangang protektahan.
Kinalma ko nalang ang sarili. Tama, wag kang magpaapekto, mga side character lang iyan.
"Pinakamamahal kong magandang anak!" Biglang sumulpot kung saan si Navis. "Cinderella!" Nakiupo siya sa lamesa namin.
"Ba't ka nandito?" takang tanong ko.
At bago pa siya sumagot, nagsiupo na rin yung ibang Heathcliff.
"Sabay tayo," nakangiting sabi ni Yuuri.
Ngumisi naman si Mikael. "We're having lunch as a club. I see no problem, is there?"
"Wala naman," sabi ni Sabrina.
"Hoy, akin iyan!" singhal bigla ni Hirian.
Bigla kasing kinuha ni Navis ang tali niya. "Ano ba kasi to Yan, parang buntot ng kabayo."
Pinakamalakas humalakhak sa kanila si Mikael.
Tuluyan namang naagaw ni Hirian ang tali saka tinalian ulit ang bangs niya. "Bumili rin kayo kung naiinggit kayo."
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...