Chapter LXXIV- Calm Down

109 4 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

Naalimpungatan ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumungad sakin ang mukha ni Heinz.

"You awake?"

Wala sa sarili akong tumango. "Nakatulog ako?" Saka ko lang napagtantong naka-unan pala ako sa hita niya.

Tumango rin siya. "Come on, up, up." Inalalayan niya akong bumangon. "They're calling us for dinner."

Nagkusot-kusot pa ako ng mata saka nag-inat-inat. Naalala kong pagkatapos ng ginawa niya kanina, inantok ako. Dahil dakilang chansing siyang nilalang, pinatulog niya ako sa hita niya habang siya naman, nagbabasa ng libro.

Tuluyan na akong tumayo saka lumapit sa salamin para ayusin ang sarili ko. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil medyo nagusot ito nang biglang lumapit ang loko at niyakap ako mula sa likod.

"Heinz," reklamo ko. "Nagsusuklay ako."

Imbes lumayo ay pinatong niya lang ang baba sa balikat ko. "One minute."

Napairap ako sa kawalan at hinayaan siya nang dumako ang tingin ko sa repleksyon naming dalawa. Para siyang batang yumayakap ng teddy bear. Nag-init tuloy ang pisngi ko.

Maya-maya, tinakip ko ang braso niya. "One minute na."

Hindi siya natinag.

Aba't. "Hoy!" singhal ko sabay siko.

Rinig ko naman ang malalim niyang pagbuntong-hininga bago hinalikan ang pisngi ko saka lumayo.

It was a simple gesture. Pero, bumilis agad ang tibok ng puso ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagsusuklay. Nang matapos, saka ko na siya hinarap at nahuling nakatingin siya sakin habang nakaupo sa kama.

"Ano?" takang tanong ko.

Imbes na sumagot ay umiling lang siya. "Nothing," sambit niya bago nilahad ang palad niya. "Can I borrow your comb?"

Napatingala tuloy ako sa buhok niya at nakitang ang gulo pa rin nun. "Ako na."

Hindi ko na siya hinayaang magreklamo at lumapit na sa kaniya para suklayin ang buhok niya.

Na mukhang ikinatuwa naman niya. "You sure?"

"Yes," sagot ko. "Ako naman gumulo nito."

Napangiti siya bago hiniwalay ang hita niya at hinila ako papalapit sa kaniya.

Tinampal ko tuloy ang ulo niya. "Heinz!"

And Heinz being Heinz, pinulupot niya lang ang braso sa beywang ko at sumandal sa dibdib ko.

Pakiramdam ko, para akong nakuryente sa ginawa niya. Hindi talaga ako masanay-sanay sa kaniya.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusuklay sa kaniya kahit naduduling ako.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya ka-clingy at sweet. Gusto niyang palagi akong kasama at nakikita. He also loves hugs ang kisses, very ironic for a villain. Pero... gustong-gusto ko ang ganitong side niya na sakin niya lang pinapakita kahit nakakairita na minsan.

Nang matapos sa ginagawa ay mahina kong hinila palayo ang ulo niya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya.

Eto na nga bang sinasabi ko. "Layo ka muna, aayusin ko ang buhok mo."

Nang sinabi ko yun ay saka na siya sumunod. Agad ko namang inayos ang bangs niya. "Ayan, ang gwapo-gwapo mo na."

Ngumiti siya. "Well, I have to."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon