ANASTASIA LEONHART
Hindi ko mapigilang mapangisi habang pinagmamasdan ang karatula ng gate. Celeste Academy.
Ang laki-laki ng academy, parang palasyo sa medieval era. Ang daming estudyanteng nag-aabang samin. Lahat galing sa mga mararangyang pamilya.
Oh my gosh, andito na talaga ako sa Celeste Academy! Dito naganap ang main plot ng To Be With You!
Sa naalala ko, unang nagkita sina Heinz at ang bida dito mismo sa academy. Kung ganun, mawi-witness—teka!
Last week pa nag-umpisa ang pasukan. Ibig sabihin, last week pa sila nagkita! I'm too late.
Nako. "Heinz, may kakilala ka bang—" Napalingon ako sa tabi ko. Walang Heinz. Asan ba yun?
Nakita ko nalang ang pigyura niyang naglalakad na doon sa malayo. 'Tong lalaking to.
"Hoy Heinz, langya!" Dali-dali ko siyang hinabol. "Hintayin mo ako!"
Hindi siya nakinig. Dire-diretso lang siyang naglalakad habang hila-hila ang bagahe ko. Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko.
Pag ako, tuluyang napikon, uunahan ko talaga siya.
Hinatid niya ako sa girl's dormitory at huminto sa room number 201. May kinuha siyang susi saka yun binuksan.
Pinagmasdan ko ang kwarto. May king sized bed, a fireplace, a mini library, glass windows and an enchanting chandelier.
Mas gara pa ito sa kwarto ko!
"Since you're my fiancé, you'll be staying in an exclusive room," paliwanag ni Heinz.
Gulat akong napatingin sa kanya. "Himala, nagsalita na rin sa wakas."
Sumama ang timpla sa mukha niya. Hindi niya ata nagustuhan ang joke ko. Joke ba yun?
Nag-peace sign nalang ako. "Heinz, galit ka pa rin ba?"
"Beats me," sabi niya nang hindi lumilingon sakin. He just inspected the furnitures in the room, looking for faults.
Argh! Beats me mukha niya.
"I don't have any interest with lord Nicolis, if that's what you thought," paliwanag ko. "Bigla nalang siyang nagpadala ng bulaklak kaya napag-usapan namin siya."
Binukas-sara niya lang ang mga bintana. Hindi siya nakikinig!
"And... And Vanessa said he sent it as an apology gift," dagdag ko. "No other reason."
Inutusan ko talaga si Vanessa noon na ipapatanong kay Nicol kung ba't siya nagpadala ng bulaklak pagkaalis na pagkaalis ni Heinz. In this place, people would easily interpret it as an act of courtship. Kaya banas na banas ang mokong ngayon.
And speaking of him, tahimik pa rin siya.
Naalala ko lang. Heinz is an extremely jealousy-type of person in the novel. Pero hindi lang yun halata dahil hindi naman siya showy. Dun niya lang yun ni-reveal nung umamin na siya sa bida.
Pero teka, wala namang gusto si Heinz sa fiancé niya. Kaya...
Anong problema niya?!
Hindi niya talaga ako pinansin. Pambihira ang pride ng prinsipeng to.
Hindi ko nalang din siya pinansin at nag-ayos na ng mga gamit ko. Sinimulan kong lagyan ang pinakamataas na bahagi ng aparador.
Kaya lang, hindi ko maabot. Anong silbi nito kung hindi ko naman magagamit ang—
Bigla nalang may kamay ang kumuha sa mga gamit ko saka nilagay doon.
Si Heinz.
Busy siya kakalagay ng mga gamit ko kaya malaya ko siyang napagmasdan. Kahit saang anggulo kong tignan, kahit sumpungin ang lalaking to, alam na alam kong isa siyang mabuting tao. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit niya nagawang patayin si Anastasia Leonhart.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
Roman d'amourI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...