ANASTASIA LEONHART
"Anong—Akala ko nanghihina na siya?!" singhal ng taong naka-maskara.
Kumalas naman si Heinz sa yakap sabay hawak sa kamay ko bago malamig na tinignan ang mga rebelde.
Nagliliyab siya. Pero, hindi ako napaso.
"Get them!" singhal ng nakamaskara.
Nagtakbuhan naman ang mga rebelde palapit samin at kanya-kanyang nagpakawala ng kapangyarihan pero bago pa sila tuluyang makalapit ay agad silang natupok ng higanteng apoy.
Walang naiwan sa kanila, maski abo.
Nanigas ako.
Napansin agad yun ni Heinz dahil napalingon siya sakin. "Was that scary?"
Tumango ako. "Don't do it again," sambit ko habang may naalala mula sa To Be With You. "They might be under the influence of dark magic."
"Oh," sambit niya habang walang kabuhay-buhay na napalingon sa kanila.
"Unahin mo nalang yung naka-maskara," dagdag ko pa.
"Okay," walang pag-aalinlangan niyang sagot.
Parang buhay na humiyaw ang apoy niya kasabay ang paglakas ng hangin bago mabalasik na hinabol ang naka-maskara.
To think that he's this strong already under the heavy rain... Paano pa kaya kung walang ulan?
Nang makalapit naman ang iba sa amin ay agad kaming nabalot ng apoy. Napahinto tuloy sila at kanya-kaniyang nagsi-atake pero walang nakakapatay ng apoy ni Heinz.
I remembered back in the novel. It was mentioned once. Among the royal family recorded throughout history, Heinz is the only one born with tremendous amount of magic overpowering his ancestors and even his parents and siblings.
A prodigy.
He can easily set the entire kingdom into flames. Nagawa niya yan sa libro dati.
Kaya hirap na hirap sina Nicol na kalabanin siya nuon.
"Anastasia!" singhal bigla ng taong naka-maskara habang iniiwasan ang apoy ni Heinz. "Sumama ka na samin! May kasunduan tayo!"
Hindi ako nakasagot nang humigpit ang hawak ni Heinz sa kamay ko kasabay ang pagbilis ng apoy niyang humahabol dito.
"You won't like the consequences for breaking our deal, lady—" Bigla siyang naabutan ng apoy kaya nagsisigaw siya.
"Don't kill him!" agad kong pigil kay Heinz. "We need to ask him for intel."
At pagkasabi ko nun, lumiit ang apoy hanggang sa kamay at binti niya nalang ang nagliliyab.
Brutal.
But it doesn't scare me anymore.
Kita kong nagkaroon ng biak ang maskara dahilan para makita ko ang nakakakilabot na ngisi niya. "I-I warned you."
Nangilabot ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.
"N-Nesa..."
Napalingon ako kay Heinz nang tawagin niya ako at halos mamutla ako nang makitang may dugong umaagos sa bibig niya.
"W-Why?" nanghihinang tanong niya sabay hawak sa isa kong kamay.
Dahan-dahang dumako ang paningin ko rito at nanlamig nalang nang makitang dumudugo ito habang...
Nakasaksak ang hawak-hawak kong punyal sa likod niya.
Agad ko yung nabitawan. Paanong?! Kailan?! Saan ko nakuha ang punyal?!
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...