"It's just the hardest thing, to love you but not know how."
-Justin Timberlake & Anna Kendrick
ANASTASIA LEONHART
Nagsimula na ang main highlight ng event kaya nagsitahimik na kami.
"Ladies and gentlemen, let us all welcome the first prince of Yngrassia and the next in line to the throne, the crown prince, his royal highness, prince Vanklov Versailles!" pakilala ng emcee. Ang haba. "Together with the crown princess, the late captain of the royal knights, Lady Dimitri Evergrande!"
Nagsiyuko kami nung sabay silang rumampa sa red carpet.
Marami pang greetings and acknowledgement sa event kaya hindi ko na sila pinakinggan. Nang matapos ay nagsimula na ang kainan.
Hiwalay kami nina Sabrina dahil kailangan kong umupo kasama nina Heinz sa royal table.
Pinabantayan ko na rin si Phiri sa isang maid dahil hindi siya pwede dito. I also don't want the other nobles to peek her privacy.
"Oh, Anastasia, dear," bati ng reyna, ang ina ni Heinz. "How are you?"
Yumuko ako bilang paggalang. "I'm fine and well, your majesty."
"It must have been scary," gatong ni Lady Dimitri na kasama rin namin ngayon.
Ngumiti lang ako.
"Let's not recall the grueling past," putol ng hari sa topic. "So what are your plans?" baling niya kina Lady Dimitri.
"We plan to get married next year," answered the crown prince, Vanklov.
"How about you Heinzal, Anastasia?" Nabaling ulit ang atensyon nila samin kaya natigilan ako.
Aba't. Anong alam ko sa kasal-kasal na iyan? Hindi ako nakapagsalita.
"We're still young, mother," si Heinz ang sumagot para samin.
"You've been engaged for years," gatong naman ng hari. "You need to plan things soon. You two will not stay engaged forever."
Ba't kami naman ang na-hotseat?
Nakaramdam ako ng hiya kaya yumuko nalang ako. That won't happen. May ibang gusto si Heinz.
"Ay pa, alam mo, wala pa sila..." Napahinto saglit si Lord Vanklov. "—Dun."
Napansin ko namang palihim siyang siniko ni lady Dimitri
Napakunot ang noo ko.
Napatango-tango naman ang hari. "Ah, okay."
"What are you saying?" tanong ng reyna, naguguluhan din kagaya ko.
"Heinz is right, my queen," paliwanag ng hari. "They're still young, give them time."
Tama, tama.
"But—"
May binulong bigla ang hari sa kanila. Nahuli ko namang napasulyap samin ang reyna. Yung totoo, ano to?!
"Pero ang tagal na nilang magkakilala," reklamo ng reyna sabay sulyap samin. Ano bang pinag-uusapan nila?
"What is this about?" rinig kong tanong ni Heinz sa kapatid.
Bigla nalang tumayo si Vanklov sa likod ni lady Dimitri. "Eto," sabi niya at biglang niyakap ang fiancé. "I love Dimitri so much, so much that I'm willing to live the rest of my life with her as my queen."
Pansin ko namang napairap lang si lady Dimitri. "Ano nanamang kalokohan to?"
Lumayo na si Vanklov saka kami hinarap. "I'm just expressing my feelings for her," sabi niya at hinalikan ang pisngi nito.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...