Chapter LXXV- Tour In Louvemont

119 5 4
                                    

Anastasia Leonhart

Napailing nalang ako habang nakatingin sa salamin. Heinz made me wear another Eauxian commoner's garb. It's a simple knee length nude dress with puffs on the sleeves and a black belt at my waist. Kumpara sa nakasanayan ko sa Yngrassia, bagsak ang tela nito, hindi kagaya roon na parang balloon sa sobrang lapad.

Lumabas naman si Heinz mula sa CR at halos matulala nalang ako nang makita ang suot niya. He's wearing a nude jumper that matched mine and partnered it with tucked-in white long sleeves. May suot pa siyang kerchief sa bandang leeg.

Ba't ang bagay-bagay niya sa suot niya?! Para siyang naging model sa paningin ko, ang tangkad-tangkad pa naman!

Nagulat nalang ako nang may isinuot siya saking sumbrero bago ako nginitian. "Let's go?"

Napakurap-kurap ako bago tumango. "Tara."

Sumakay kami sa isang maliit na gondola. It's a long, slender shaped boat used as a common transportation boat in Eaux.

Inalalayan niya pa akong makasakay saka pinaupo.

Yung mga kasama naman naming kawal, pinapanggap niyang mga commoner at palihim na pinapasunod samin. Ang iba naman, nagkunwaring mayaman.

Nagtanong bigla yung manggagaod. "Where to, young lad?"

"To Louvemont, please," sagot naman ni Heinz.

"To Louvemont!" ulit nito.

Narinig ko nalang na may umungol sa ilalim bago umusad ang gondola.

Napatayo tuloy ako. "Ano yun?!" Nang makitang hindi ako nito naintindihan ay nagsalita ako ulit. "I mean, what's that?"

"They're skywhales, young lady." Tinuro nito ang mga kadena sa harap ng gondola. "Like horses pulling carriages, these skywhales pull our gondolas and ships."

Napangiti akong napalingon kay Heinz. "Can I?"

Kumunot ang noo niya. "What?"

Nginuso ko ang tubig.

Napalingon din siya dun at halatang nag-aalinlangan bago napabuntong-hininga. "Five minutes."

Napa-yes naman ako bago dire-diretsong lumusong sa ilalim ng tubig. Narinig ko pa ang gulat na sigaw ng bangkero na agad namang pinakalma ni Heinz.

Using my affinity, I freely maneuvered myself underwater. Nanlaki ang mata ko ng makita ang sinasabi nilang skywhale. They looked like blue whales but much, much smaller. They have two tails and elongated fins that looked like wings.

Ang ganda!

Lumapit pa ako at pinagmasdan sila. Kita ko namang lumingon sila sakin bago mahinang umungol na parang kumakanta.

Ngumit lang ako. "It's nice to meet you too."

Bigla nalang lumiwanag kaya napatingala ako sa itaas at nakita ang isang malaking bola ng apoy.

Tinawag niya na ako. Kumaway pa ako bago umahon.

Nakaabang naman si Heinz at agad akong hinila pasakay sa gondola. "Having fun?"

Tumango ako. "Sobra."

Ngumiti siya bago pinatong ang palad sa balikat ko kasabay ang biglaang pag-usok ng damit ko hanggang sa tuluyan itong natuyo.

And we reached our first destination, the capital city of Louvemont.

Agad namang hinawakan ni Heinz ang kamay ko, pinagsalikop ito sa kaniya, saka ako hinila pababa ng Gondola.

"Sa'n tayo?" excited kong tanong.

"Les Deux Chapelle," sagot niya habang naglalakad kami sa sidewalk, magkahawak-kamay.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon