Chapter LXVII- Lion's Heart

145 3 1
                                    

ANASTASIA LEONHART

"Nasaan na yun?!" singhal ko habang hinahalukay ang kailaliman ng mga gamit ko. Kanina pa ako naghahanap dito pero hindi ko talaga makita ang journal tungkol sa light affinity.

Mukhang naiwan ko sa bahay.

Wala akong choice kundi maghanda para uuwi. Kailangan ko yung mahanap, baka nandun lang lahat ng mga kasagutan ko.

"You're going home?" taas-kilay na tanong ni Heinz nang magpaalam ako sa opisina niya.

"Yes, but don't worry, babalik din naman ako agad," sagot ko. "Naiwan ko kasi yung gusto kong ipabasa sayo."

Pagkasabi ko nun ay kumalma na siya. "Ah, okay."

Nakahinga ako ng maluwag. "Thanks, alis na ako!" Hindi ko na siya hinintay pa at umalis na. Gaya ng inaasahan, ang daming kawal ang sumabay sakin. Nakakaloka pero kailangan kong masanay.

Pagdating sa bahay ay gulat akong sinalubong ng mga tagapagsilbi. Biglaan din naman kasi ang pagpunta ko rito.

Pumunta agad ako sa kwarto ko at hinanap ang journal sa shelves ko at nandun nga siya.

"My lady, nandito ka na pala?"

Muntik ko na siyang masampal. "Vanessa, makagulat ka naman!" singhal ko. "Hindi usong kumatok?"

Ang lapit niya kasi sakin, nakalugay pa ang makulot niyang buhok, para tuloy siyang multo.

Tinuro niya ang pinto. "Iniwan mong nakabukas my lady kaya pumasok na ako."

Napairap nalang ako. "Whatever." Saka na ako naglakad palayo.

Nginitian niya lang ako sabay angat ng dala-dala niyang tray. "Snacks?"

Nagningning ang mga mata ko pagkakita sa fries at isang juice na nakapatong doon. "Sige, sige, dalhin mo yan!" Saka ako naglakad palabas.

"Saan ka pupunta?" tanong niya naman at sinundan ako.

"Sa library," sagot ko. Naisip ko kasi na dahil andito na rin naman ako, iimbestigahan ko nalang ang pamilyang Leonhart.

Pero nung bumaba kami sa hagdan, bigla nalang nabitawan ni Vanessa ang tray dahilan para mahulog ito at magkalat ang laman sa hagdan.

My fries!

"Vanessa!" Gulat akong napalingon sa kanya at napansing nakatulala siya sa isang direksyon.

Tinignan ko naman yun at halos lumipad ang kilay ko sa bubong sa nasaksihan.

Si kuya Anstafar, may kasamang babae. Kitang-kita namin sila sa labas ng bintana. May pa kapit-kapit pa sa brasong nalalaman ang haliparot habang pabebeng tumatawa. At ang hinayupak ko namang kapatid, mukhang enjoy na enjoy sa moment nilang dalawa.

"I-I'm sorry, my lady."

Nawala agad ang atensyon ko sa kanila at nabaling kay Vanessa na pinupulot ang kalat sa hagdan.

"Ipagluluto nalang kita ulit," dagdag pa niya.

Napaupo tuloy ako at tinulungan siya pero pinigilan niya ako.

"Wag, ako na."

"Vanessa naman-"

"Trabaho ko to, my lady," putol niya sa sasabihin ko.

Buti nalang at nagsidatingan ang ibang tagapagsilbi para tulungan siya kaya umatras nalang ako para bigyan sila ng space.

Dumating naman bigla si kuya Answald. "What happened?"

Palihim kong nginuso sina kuya Anstafar.
Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya at akmang lalapitan niya ito pero pinigilan ko siya.

"Wag na kuya," sambit ko. "Huli na ang lahat. Wala na siyang Vanessa'ng madadatnan."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon