ANASTASIA LEONHART
It took us days until I arrived at the Leonhart manor. Squadrons of royal and our personal knights combined are stationed at very corner of the high-steemed walls.
I could feel the servants guiding me inside but my mind wandered elsewhere.
"Welcome back, my lady." Yan ang paulit-ulit kong naririnig habang naglalakad papuntang kwarto ko.
Piniga ko ng impormasyon ang kutsero habang nasa biyahe ako. Sinuhulan ko pa ng malaki-laki bago ko siya napaamin.
Hindi pa ipinanganak si Heinz ay matagal na siyang naninilbihan bilang kutsero ng royal family kaya halos alam niya ang mga kaganapan sa palasyo.
Everything seemed pretty normal until the second prince was born.
May sabi-sabing nasunog daw ang kwarto ng reyna nang manganak ito pero lahat ng mga nagpakalat ng balita ay bigla nalang tinanggalan lahat ng trabaho.
And when Heinz became two years old, nasunog bigla ang isang torre sa palasyo pero sinabing aksidente lang daw ang nangyari. Ang nakakapagtaka, ilang araw dawng hindi nagpakita si Heinz at sinabing nagkasakit daw ito at kinulong sa kwarto.
Pero ni isang tagapagsilbi, walang inutusan para hatiran man lang siya ng pagkain.
Ilang araw ang lumipas, nagpakita na raw ulit si Heinz pero may mga benda na sa katawan. Kung bakit ay hindi nalang nila tinatanong.
Naulit pa ang kakaibang pangyayaring ito noong mag-five siya. Tumatakbo nalang papasok sa palasyo ang isang kakaibang karwaheng kahit nagliliyab na sa apoy ay hindi pa rin nasusunog. Ang nakakapagtataka pa nito ay ang hari pa raw ang kutsero at hindi isang commoner.
May lalapit sanang tagapagsilbi para alalayan sila pero pinigilan sila ng mga pinagkakatiwalaang knights ng royal family.
Naulit ang nangyari, na mawawala bigla si Heinz at susulpot ulit na may marami nang benda sa katawan.
Nangyari pa ito nung seven na siya, nung ten, tsaka sa mga sumusunod pang taon.
"Anastasia?" Napaangat ang tingin ko at nagulat nalang nang makitang ang ama ko pala yun.
Napayuko ako. "Greetings your grace." Kailan pa sila nakabalik? Huling ala-ala ko, may inasikaso sila sa Silveria, ang kaharian sa norte.
Nakisilip lang siya sa siwang ng pinto. "I know you've just arrived but can we talk in my office? Your mother and brothers are waiting."
Sumakit ang ulo ko. Ano nanamang kailangan nila?
"Of course," sagot ko nalang saka sumunod sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa opisina niya na minsan ko lang napasukan.
Nakaupo sa sofa ang tatlo kong kapatid habang nasa kabilang sofa naman si mama.
"Anastasia, dear." Agad siyang tumayo at hinipo ang mukha ko. "I'm sorry for this. Please, take a seat, sweetheart."
Kinabahan tuloy ako. Lalo na't ang seseryoso nina kuya Anstafar at kuya Answald na nakasanayan kong palaging maloko.
Wala akong magawa kundi tumabi kay mama habang umupo narin si papa sa upuan niya kaharap ang lamesa.
Sandali kaming nabalot ng katahimikan bago siya nagsalita. "Anastasia, you've been in a lot of trouble lately and we—especially your mother is becoming sick worrying for your safety."
Pasimple akong napalunok. Saan ba pupunta ang usapang to?
"So to ensure your protection, the Leonhart household and the royal family have come to a consensus..."
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...