Chapter XXXV- Behind The Stage

308 16 2
                                    

ANASTASIA LEONHART

"Nga pala, may nangyari ba kay Heinz kagabi?" takang tanong ko kay Mikael habang naglalakad kami patungong dining area. "Ang dami niyang benda sa katawan."

"Nag-aalala?" pang-aasar pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Curious lang!"

"Okay, sige, kunwari naniwala ako." Pinipikon talaga ako ng isang to! "Ang totoo niyan, hindi ko pwedeng sabihin sayo."

Taka akong napatingin sa kanya. "Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Read between the lines," makahulugang sabi niya. "All I can say is, this time, it might probably have something to do with you."

Kumunot ang noo ko. This time?

Kung ganun, nangyari na din ito noon? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol kay Heinz?

"Mahal kong anak!" Umalingawngaw ang bunganga ni Navis sa gitna ng hallway.

Napatakip ako sa bibig. "Mahal kong ina!"

"Tumigil nga kayo," sita samin ni Sab. "Para kayong ilang taong hindi nagkita."

Nakasalubong namin silang dalawa rito.

"Oo nga pala, Miks, anak, pinapababa tayo sa labas," sambit ni Navis. "Paparating na raw ang royal family."

Nanlaki ang mata ko. Hala!

Sabay kaming bumaba at lumabas ng palasyo nila. Nasa labas lahat ng mga tagapagsilbi at mga kamag-anak nila.

Nanlaki rin ang mata ko nang makita si Nicolis dito. Tinanguan niya lang ako na para bang wala siyang ginawang kababalaghan kagabi.

Dumating naman ang isang tagapagsilbi saka ako pinayungan. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Ilang sandali pa lang, dumating ang isang magarang karwahe na gawa na ata lahat sa ginto. Nakawagayway sa ibabaw nito ang isang flag na may simbolo ng royal family.

Nakasunod naman sakanila ang mga kawal na nakasakay sa kani-kaniyang kabayo.

Nang huminto ito sa harap namin ay unang bumaba ang kutsero saka binuksan ang pinto ng karwahe.

Pagkababa ng pagkababa ni kuya Vanklov ay nagsiyuko kaming lahat.

"Greetings to the sun of Yngrassia kindom, his royal highness, the crown prince, prince Vanklov Versailles," bati ng head ng mga Heathcliff.

Nilahad niya bigla ang palad niya sa bungad ng karwahe kung saan may kamay ang tumanggap nito. Bumaba mula roon si lady Dimitri. 

Sunod namang bumaba si Lanc. Ba't nandito ang bubwit?

Kahit napilitan, nakikiyuko nalang din ako.

"And his highness, prince Lancaster Versailles."

Sinilip ko siya. Taas noo siyang nakatingin sa amin at parang proud na proud pang niyuyukuan namin siya.

Nang matapos ay umayos na kami ng tayo.

Nanlaki nalang ang mata ko nang may batang sumunod sa kanyang bumaba. Si Phiri!

"Thank you as always, uncle," bungad ni kuya Vanklov sa head. "The King and Queen expressed their deepest regrets as they cannot come for the carnival."

Tumango lang ang head na si Lord Gustav Heathcliff na siya ring ama ni Mikael. "We understand." Nilahad niya ang kamay niya sa loob. "Come, your highness. We've still got a long day ahead of us."

Iginaya na sila papasok ng mga tagapag-silbi. Sumunod naman kami sa kanila.

Nang makakuha ng tiyempo ay dali-dali kong hinigit papalayo ang bubwit at si Phiri at dinala sa walang masyadong tao na lugar.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon