Chapter XIX- The Letter

550 18 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

Handa na ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako sa kwarto ng biglang pumasok si Heinz.

"Stay here," pagpigil niya, bagay na ikinakunot ng noo ko.

Ito ang araw na babalik na kami sa academy. Classes have resumed already.

"Why?" takang tanong ko.

"Nagkakagulo sa labas," sabi niya. "Vanklov's royal pendant is missing."

Nanlaki ang mata ko. "Ano?!"

Ang tatanga ba naman ng lalaking yun! The royal pendant is the sigil of the royal family. With it, you can gain access to everything.

Maya-maya, pumasok ang mga tagapagsilbi at humingi ng permiso na tignan ang mga gamit namin.

Wala naman kaming magawa kundi hayaan sila dahil kung hindi, pwede kaming paghinalaan.

Nung okay na ay saka pa kami nakalabas.

Sinundo pa namin si Phiri mula sa kwarto niya. Nakakahiya naman kung iiiwanan ko siya dito eh hindi ko naman bahay to. Balak ko siyang iiwan sa mansyon namin sa pangangalaga ni Vanessa.

"Tara na Phiri," sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya.

Binitbit naman ng mga tagapagsilbi ang gamit niya at sinundan kami papalabas.

"Hey!"

Sasakay na sana kami sa karwahe ng tinawag kami ng bubwit.

"What?" nababagot na tanong ni Heinz.

Haghahabol ng hininga si Lanc. "W-Wait! " Tumakbo ba naman kasi.

Ang dating pagdududa ko ay napalitan ng ngisi. "Kailangan mo kay Phiri— este, sa amin?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "As a prince, I'm obliged to escort you out."

"Weh?" tukso ko pa pero nagbabantang tinignan na ako ni Heinz kaya nanahimik na ako.

"Like I promised, I will take good care of Phiri, may she still be in the palace or not," palusot pa ni Lanc. "So rest assured, she's in good hands."

"In-denial kapatid mo," bulong ko kay Heinz.

Napabuntong-hininga siya. "Wag mo na ngang patulan yang bata."

To naman, panira ng trip. Siya pa ngang bumuking sa bubwit na yun.

"That's the makings of a great ruler, Lanc." Pi-nat niya ang ulo nito. "Aalis na kami."

Tumango lang ito.

Nagsisakay na kami sa karwahe at umalis na.

Inalalayan ko si Phiri na mahiga sa kaharap naming upuan. Being sickly made here sleepy from time to time.

"Sino kayang kumuha sa sigil?" tanong ko habang umaandar ang karwahe.

"Someone who has the resolve to mess with the royal family," sagot niya. "That person could be dangerous. Anyway, don't involve yourself with these matters."

Tumango naman ako. As if naman, mahal ko buhay ko.

Napahikab ako maya-maya. Madaling araw oa kasi nung ginising ako ni Heinz.

Nagulat nalang ako nung hinila niya bigla ang ulo ko at isinandal sa balikat niya.

"A-Anong—"

"Sleep," putol niya. "It's a long journey ahead."

Hindi ko alam kung bakit...

Sa simpleng ganito, ay biglang kumabog ang ng sobrang bilis ang puso ko.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon