Chapter XVII- Lancaster

550 24 2
                                    

ANASTASIA LEONHART

"My lady, here are the financial reports for the first trade in Larona Isles," sabi ng kanang kamay ni Heinz sabay lapag ng isang folder sa lamesa.

Napangiti naman ako. "Thank you, you may go."

Yumuko muna ito bago umalis.

Agad nawala ang ngiti ko saka sinukat ang kakapalan ng folder. Mas makapal pa ito nung una ah?!

Ba't ako ang mag-aasikaso nito?!

Hugot-hininga kong binuksan ang pinakaunang pahina nito at halos mahilo ako sa sobrang daming numero. Jusko.

Pero hindi. Kailangan kong matuto.

Nilapit ko yun sa mukha ko saka inintindi ng mabuti ang mga nakasulat.

Day 1. 8:30 am. 10,000 items sold. A total of....

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang maraming zero sa listahan. Ganun kalaki?!

"Oh, dumating na ang report?" tanong ni Heinz na kakapasok lang ng office niya.

Wala sa sarili akong napatango. Teka, first release palang yun ng mga herbs mula sa Isles. An hour later, na sold out ang binenta nila adding another.... jusko.

"Looks like it went well," komento ni Heinz mula sa likod ko.

Hindi ko namang mapigilang mapangisi. Syempre proud ako. Finally, ma-resolve na ang problema nila sa pera.

"Want some?" Itinapat niya bigla sa bibig ko ang isang piraso ng fries.

Ngumanga ako saka ito nilamon ng buo. "Isa pa," sabi ko sabay nganga.

Sinubuan niya naman ako ulit.

When satisfied, umalis na ako sa office niya, sumasakit ang ulo. Hindi ko talaga makayanan ang maraming numero.

Naisipan kong dalawin si Phiri. Pero nabahala nalang ako ng matagpuan siyang wala sa kwarto niya.

Asan na yun?

"Phiri?" Nagsimula akong hanapin siya. Kung saan-saan na ako lumiko, pero hindi ko pa rin siya mahanap.

Lumabas na ako ng palasyo at tinungo ang hardin ng may tumawag sakin.

"Ate!"

Wala sa sarili akong napalingon.

Ngumisi siya. "I see, nabawi ka talaga ng walang kwenta kong kapatid."

"Uy, bubwit," bati ko.

He's Lancaster Versailles, the third in line to the throne. Nakababatang kapatid ni Heinz.

Taas noo niyang hinawi ang kapa niya. "You know, while you're away, I invented a new recipe."

Napangiwi ako. Bagong recipe? Hindi marunong magluto ang isang to!

"Anong klaseng mukha iyan?" tanong niya. "Ah, I see. Excited? Hindi mo lang pinapahalata."

"In your dreams—"

"Wag kang mag-aalala," mayabang niyang sabi. "Matitikman mo rin ang luto ko."

Tong bubwit na to!

"Alam mo." Napahilot ako sa sentinido dahil sa kunsumisyon. "Mas mabuti pang maglaro ka nalang."

"No, I'm a prince," proud niyang sabi. "I have to work for the kingdom. Being a kid is no excuse for...."

Nagtaka ako nung bigla nalang siyang mapatulala.

Kinaway-kaway ko ang kamay sa harap niya pero hindi siya kumurap.

Ngayon niya lang ba nakita ang kagandahan ko?

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon