Chapter LXXVIII- Self Control

126 7 3
                                    

ANASTASIA LEONHART

Hindi na namin tinapos pa ang cruise dahil pareho na kaming nawalan ng gana ni Heinz. Sumakay nalang kami sa isang barko na sinakyan ng mga tauhan niya nang nila sinundan kami.

Hanggang ngayon ay tulala pa rin si Heinz at mukhang malalim na nag-iisip. Nakatingin lang siya sa kawalan habang nakaupo sa kama namin dito sa isang kwarto ng barko.

Aaminin ko, nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Kahit halos mababaliw na ako ngayon para sa kapalaran ko ay mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala ko para sa kaniya.

Kaya hindi rin ako nakatiis at nilapitan siya. Lumuhod ako sa harap niya saka pinulupot ang braso ko sa leeg niya. Agad naman siyang gumanti ng yakap at sinubsob ang mukha sa bandang dibdib ko.

"N-Nesa..." Bigla nalang siyang nanginig kasabay ang pag-taas baba ng balikat niya. "She knows— God she knew. Am I really gonna destroy the kingdom?"

Napapikit nalang ako bago ipinatong ang baba ko sa ulo niya. Hindi ko kayang magsalita.

"Even you are afraid of me," sambit niya. "Ganun na ba talaga ako kasama?"

Unti-unting nanunubig ang mga mata ko.

"I tried to make them realize that that prophecy is wrong but I always failed everytime."

I'm sorry.

"I did my best."

Doon ko na nakuha ang boses ko. "You did."

"I really... tried hard," sabi pa niya habang nakasubsob pa rin sa dibdib ko.

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya. "I know..." Napasinghot ako. "I-I know..."

Bigla siyang napakalas sa yakap at fulat na napatingin sakin. "Shit, are you crying?!"

Sunod-sunod akong napasinghot bago umiling habang pinupunasan ang luha ko.

"Tatanggi ka pa, ayan na oh!" irita niyang sabi sabay turo sa mukha ko.

Mas lalo lang akong naiyak.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya saka ako hinila paupo sa hita niya. "I'm sorry. Shit." Nanginginig niyang pinunasan ang luha ko. "May nagawa ba akong mali? Why are you crying?"

Umiling lang ako at niyakap siya.

I can't tell him. I can't say that he really did burn Yngrassia to the ground. Nakakabaliw.

"Nesa..." halos puno ng pagmamakaawa ang boses niya. "Say something. Wag mo naman akong ginaganito."

Natigilan ako sa sinabi niya. "I'm sorry."

"Sorry?" takang tanong niya. "And why are you apologizing?"

"H-Hindi ko alam," pag-amin ko. "Siguro dahil isa ako sa mga taong natakot at humusga sayo. Oh dahil dinala kita sa Belfort at nakausap mo ang matandang 'yun o di naman dahil siguro hindi ko alam kung paano mawawala ang hirap na dinaranas mo ngayon."

Pagkasabi ko nun ay natahimik siya.

Maya-maya ay mahina niyang kinalas ang kamay kong nakayakap sa leeg niya saka ako tinitigan sa mata. "Nesa."

Kahit sumisinghot ay tumingala pa rin ako sa kaniya. "B-Bakit?"

Bigla niyang siniksik ang mukha sa leeg ko. "I love you."

Natigilan ako sa sinabi niya kasabay ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko hanggang sa hindi ko na namalayang napahikbi na ako.

Ang sarap pakinggan.

Pero mas lalo lang akong nasasaktan. Ang daming agam-agam sa puso ko, ang daming what if, ang daming tanong.

Paano nalang kung bigla-bigla akong mawawala sa kuwentong 'to, paano na siya? Paano na kami?

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon