Chapter XXXVI- And The Show Begins

245 14 0
                                    

So get out, get out, get out of my head.
And fall into my arms instead.

-One direction


ANASTASIA LEONHART


"Ladies and gentlemen, let us all witness..." rinig naming sambit ng emcee.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kasabay ng pag-angat ng kurtina ang pagsalubong ng ilaw at sandamakmak na tao sa harapan ko.

"The Missing Cinderella."

And the show begins...

Nagpakita ako. "Cinderella!" Nagpalakad-lakad ako sa inis, hawak-hawak ang pamypay. "Hoy babae, asan ka?!"

Nagtatakbo namang lumabas sa stage si Sabrina, bitbit ang isang walis. "B-Bakit Anas—"

"Yung damit ko, hindi mo pa nilabhan!" irita kong singhal sa kanya. Hindi pa ako nakuntento at dinuro-duro ko pa sakanya ang pamaypay ko. "Alam mo naman sigurong malapit na ang ball hindi ba?!"

Tumungo siya. "L-Labhan ko—"

"Dapat lang, walang silbi!" Tinulak ko siya. "Layas! Maglaba ka na!"

Aalis na rin sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Teka."

Nagsalubong ang kilay ko sa inis. "Ano nanaman?!"

"P-Pwede ba akong sumama sa inyo sa palasyo?" tanong niya.

"Ano?!" Halos magkasabay naming tanong ni Navis na kalalabas lang ng stagen

"Sa mukha mong yan, sasama ka?" di-makapaniwalang tanong ni Navis.

Yumuko lang si Sab.

Mapanudya ko siyang tinignan. "Ang kapal naman ata ng mukha mong sumama samin, Cinderella," asik ko sabay hila sa buhok niya.

"Aray!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag mo sabihing iniisip mong mas maganda ka pa kaysa sakin ngayon?"

Napayuko lang siya.

"Grabe, hindi ka ba nahihiya?" Pagak akong napatawa. "Tingin mo talagang papapasukin ka sa palasyo kahit magpaganda ka pa? Kadiri ka."

Nagtawanan kami ni Navis.

Pero bigla siyang nabulunan. As in totoong nabulunan.

Nanlaki ang mata ko. Lintek!

Buti nalang at nakakilos agad si Sabrina. "O-Okay ka lang po—"

"Don't touch me!" maarteng singhal ni Navis sa kanya ng akmang hahawakan siya nito.

Nice alibi.

Dun ako nakabawi. "Oo nga, kadiri ka! Ako pa sayo, maglaba ka na lang diyan," sambit ko. "Halika na, pinakamamahal kong magandang ina, kailangan pa nating magpaganda."

Nag-flip hair ang loko. "Of course, my beautiful daughter. Tara!" Hinila niya ako sa braso saka kami pumasok ulit sa loob ng kurtina— sa backstage.

At pagkarating ng pagkarating namin ay nadatnan namin silang naghihilaan kay Mozart.

Ayaw niya paring sumali?!

Nang mapalingon naman samin si Mikael ay agad niyang sinapak si Navis ng script.

"Hoy! Muntik na yon!" singhal niya.

"Pwera nabulunan lang!" depensa ni Navis. "Ikaw kayang mabilaukan ng laway, ha?"

"Tama na, tama na," awat ni Hirian. "Marinig pa tayo dito, sige kayo." 

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon