Chapter IV- Lost

849 37 3
                                    

ANASTASIA LEONHART

Umalis na ako sa library. Naguguluhan pa rin ako.

Don't mess with me again. I might mess you up instead.

Yan ang linyang sinabi ni Nicolis kay Elizabeth sa festival!

Napahawak ako sa ulo ko. Anong nangyayari?

Hay, napabuntong-hininga nalang ako. Uuwi na sana ako sa dorm nang may mapagtanto akong isang bagay. Nasaan ako?!

"Ang kapal ng mukha mong lumapit-lapit kay lady Anastasia."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko.

"Geez, you're just a daughter of a lowly baron."

"Hindi ka ba magsasalita?"

Nilapitan ko ang pinanggalingan ng boses.

"Ano, lumaki ang ulo mo no dahil kinakausap ka ni lady Anastasia?!"

Nanlaki ang mata ko. Si Sabrina! Pinapalibutan siya ng mga babae.

Ito na ata ang tinatawag nilang bullying.

"A-Ano pa bang kailangan niyo?" sabi ni Sabrina. "Nilalayuan ko na nga si Lady Anastasia!"

Nagtago ako. Kaya pala hindi niya ako pinapansin.

"At ang lakas ng loob mong pagtaasan ako ng boses, ha?!"

"A-Aray!"

Napalingon ako ulit. Hinihila nila ang buhok niya.

"A-Ano naman ngayon?" daing ni Sabrina. "Kumpara sa inyo, mas matino pa si lady Anas—"

"Aba't—"

"H-Hey girls!" bati ko—Teka.

Anastasia, anong ginagawa mo?! Hindi ka dapat makialam!

"Lady Anastasia," sabi nung isa. "Ginagamit ka ni lady Sabrina."

"Nagsasabi siya ng totoo lady Anastasia," sabi naman nung isa. "But don't worry, pinagsabihan na namin siya."

Napatingin ako kay Sabrina. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

"Uhmm, thank you for doing this for me." Nginitian ko sila. "But I think it's my right to make decisions for my life. "

"Pero lady—"

"Please..." sabi ko pa. "Don't interfere."

Sandali silang natahimik.

Maya-maya nagsalita yung nasa gitna nila. "If that's your decision, then we'll respect it lady Anastasia."

Tumango-tango ang iba.

"As a lady, humihingi kami ng pasensya," sabi pa niya. "But we do hope she won't hurt you."

Ngumiti lang ako. "Okay, so bati na kayo?"

Ngumiti din sila saka humingi na din ng pasensya kay Sabrina bago umalis.

Saka nawala ang ngiti ko. Not like they're genuine enough. Puno ng kaplastikan ang high society.

"You okay?" Nilingon ko si Sabrina. "I'm really sorry, I didn't know."

Umiwas siya ng tingin. "H-Hindi mo yun kailangan gawin para sakin."

Napangiti lang ako. "But I really appreciate what you said about me, lady Sabrina."

Natahimik siya. Maya-maya, bigla siyang ngumiti. "Iba ka talaga sa kanila, lady Anastasia." 

Nagtaka ako. "Iba?"

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon