Chapter LXVIII- Vanessa's Humble Abode

146 5 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

"At saan mo siya dadalhin?" bungad samin ni kuya Anstafar ng maabutan niyang bihis na bihis si Vanessa. Nandito kami ngayon sa harap ng karwahe ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paki mo? Personal maid ko si Vanessa."

"Paki ko rin," sikmat niya. "Ang sa akin lang, saan mo siya dadalhin?"

Mas lalong nag-init ang ulo ko. "Pagkatapos mong maglandi-landi diyan sa tabi-tabi, babalikan mo si Vanessa? Hah! Ang kapal ng budhi mo!"

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong sabi mo?"

Nagmaang-maangan pa to. Inirapan ko nalang siya saka hinila palayo si Vanessa na nanahimik lang sa isang tabi. "Halika na, Vaness—"

Natigilan nalang ako at napapikit sa inis sabay lingon kay kuya Anstafar na hilang-hila na ngayon si Vanessa sa kabilang kamay.

"Anong landi-landi ang pinagsasabi mo diyan, ha?" reklamo niya.

Pagak akong napatawa. "Ah, hindi mo naalala? Nakalimutan mo na ang kasama mong si lady Giana kanina ha? Sa harap pa talaga namin ni Vanessa?" Binitawan ko tuloy si Vanessa saka siya hinarap at dinuro-duro. "Sinuportaan kitang hayop ka tapos lolokohin mo lang pala si Vanessa? Parehas kayong mga lalaki! Mga walang modo!"

Napakurap-kurap siya sa sinabi ko.

"Oh ano? Kala mo hindi ko alam na ipinagkasundo kayo ni papa—"

Dali-dali niyang tinakpan ang bibig ko. "M-Manahimik ka nga bubwit!" kinakabahang sambit niya habang nakatingin kay Vanessa.

Napalingon din ako sa kanya at nakitang ang dilim-dilim ng mukha niya habang nakatingin sa kawalan.

Tinulak ko tuloy si kuya. "Aha! Sabi ko na nga ba!" Napailing-iling ako. "Wag na wag mo nang lalapitan si Vanessa kahit kailan, naintindihan mo?! Hindi na ako papayag! Manloloko ka! Buti pa si Heinz pero ikaw?"

"Dinamay mo pa ang prinsipe dito, favoritism ka, favoritism! Hindi na kita sister!" Hindi siya nagpatalo. "Sinusumpa ko, hindi matutuloy iyang kasal niyo!"

Sumabog ang alta presyon ko sa narinig. "Anong sabi mo?!" Inis ko siyang sinabunutan.

"Aray, aray!"

"Hey, stop it!" rinig kong sigaw ni kuya Answald.

"Bwiset ka!" nanggigigil kong sabi. "Pag yung kasal ko, hindi talaga matuloy, gigilitan kita ng buhay! Salot kayong mga lalaki sa lipunan! Salot, salot, salot!"

Agad kaming inawat ng nga kapatid namin.

Mali. Ako lang pala. Pinagtulungan nila akong dalawa na ilayo kay kuya Anstafar. Halos hindi na umapak ang paa ko sa lupa sa kakahila nila dahil nagpumiglas ako.

"You two, stop fighting, alright?!" awat ni kuya Answald. "Anastasia, take Vanessa away from here, now."

Nanlaki ang mata ni kuya. "Ano?! Kinakampihan mo ba siya?"

Nang bitawan ako ni kuya Ansaiah ay iniripan ko siya bago hinila ang tulalang Vanessa at tinakbo ang karwahe.

"I saw what happened—"

"What happened mukha mo, hindi niyo manlang pinakinggan ang eksplenasyon ko!"

"Kina Vanessa, manong!" utos ko nang makasakay kami. Nasa Leonhart duchy lang naman ang bahay niya kaya madali lang kaming makakarating doon.

Mula sa bintana, nakita kong sila nanamang tatlo ang nagbabangayan. Nakisali na rin si kuya Ansaiah.

Sinara ko nalang ang kurtina saka pinisil ang kamay ni Vanessa. "Okay ka lang?"

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon