Warning: Some scenes in this chapter contains gore and profanity that may not be suitable for some readers. Reader's discretion is advised.
ANASTASIA LEONHART
"It's you."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "Ha?"
Napalunok siya. "Y-You were the little girl I lost years ago."
Nanlaki ang mata ko. Ano?!
Ako—I mean, si Anastasia ang first love niya?! Ang dahilan kung ba't galit na galit siya ngayon kay Heinz?!
"T-Teka, baka nagkakamali ka lang—"
"She has that heart-shaped birthmark on her stomach," putol niya. " Naligaw siya dati at napadpad sa kainan ni nay Emela kung saan kumakain din ako."
Nanlamig ako sa pinagsasabi niya. Unti-unting sumasakit ang ulo ko.
"Pahingi please, gutom ako."
"Promise babayaran kita, mayaman pamilya ko."
"Mayaman? Sa dugyot mong yan?"
Hala.
Magsasalita na sana ako nang bigla kaming lumutang saka bumulusok palabas ng bahay dahilan ng pagkasira nito.
"Save that trip to memory lane later," asik ni lady Dominique sabay ang paglabas ng punyal sa staff niya bago kami bumaba sa lupa. "Nicol!"
Pinalabas din ni Nicol ang espada niya. Nagdikit naman kami ni Elizabeth.
"What's wrong?" tanong niya.
"The second prince's men following us suddenly disappeared," sagot ni lady Dominique. "Noticed that too, Hunt lord?"
Tumango naman si Nicol. "Oo."
N-Nawala sila?
Di nga nagtagal, nagsisulputan kung saan ang mga estrangherong nakaitim, bitbit-bitbit ang mga espadang nababalot ng dugo.
Leche.
Agad akong nagpalabas ng tatlong naglalakihang ahas. And dami nila!
"You mongrels," nanggagalaiting sambit ni lady Dominique bago tumalon ng mataas saka hiniwa sa ere ang staff niya.
Bigla nalang sunod-sunod na nahati ang katawan ng mga ito na para bang may dumaang di nakikitang matulis na bagay bago nagsihati rin at nagsitumbahan ang mga puno sa likod nila.
Isa lang ang naiisip kong eksplenasyon. Air.
Nangilabot ako kasabay ang pagbaliktad ng sikmura ko. Halimaw siya!
Agad nagsisugod ang mga nakaitim na sinasangga na ngayon nina lady Dominique at Nicolis.
Napanganga nalang ako sa kung paano lumaban ni lady Dominique. Imbes na umasa sa affinity ay umaatake siya gamit ang staff niya na ginawa niya na atang sibat. Para siyang mandirigmang sanay na sanay na sa pakikipaglaban.
Sino ba talaga siya?
Nang akma namang may lalapit samin ay pinapakain ko sa mga ahas saka nilunod.
"My lady, sa likod!" sigaw ni Elizabeth habng nakakapit sa braso ko.
Dahil sa taranta, hindi ko tuloy sinasadyang magpakawala ng malaking baha sa direksyon na yun. Lahat ng nadadaanan nito, parang dinaanan ng bulldozer. Inagos lahat.
Napangiwi nalang ako. B-Buhay pa ba sila?
Nagulat nalang ako nang may espadang biglang sumulpot sa harap ko na agad namang sinangga ni Nicol.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...