"When you're just a line from a script while he's her entire novel. That hit. Hard."
—Mikaelis Heathcliff
ANASTASIA LEONHART
Hindi pa natapos ang sayawan nang inagaw ako ni Navis mula kay Nicol at hinila sa dulo ng stage.
"Ano ka ba?!" bulyaw niya. "Magpapatalo ka kay Cinderella?!"
"Pero —"
"Wag mo kong mapero-pero!" singhal niya sabay duro ng pamaypay sa mukha ko. "Siguraduhin mo na ikaw ang piliin ng prinsipe, naintindihan mo?"
Napabuntong-hininga nalang ako. "Opo, ina."
Mala-donya niyang pinaypayan ang sarili. "Mabuti at ako'y aalis na," sambit niya bago naglakad palayo.
Sinamaan ko naman ng tingin sina Hirian at Sabrina. "Kainis... Nakakainis talaga ang babaeng yun." Kumuyom ang kamao ko. "Kung ako lang sana..."
"Gusto mo ba ang prinsipe?"
Nagulat nalang ako nang may ilong ang kumalabit sa pisngi ko. Walanghiyang Mikael!
"A-Anong pinagsasabi mo?" gulat kong tanong.
Para siyang kubang maglakad, dala-dala ang isang sungkod. "Iha, wag ka nang magmaang-maangan pa, naririnig ko ang iyong hinanaing," sambit niya. "Alam ko kung paano mo mapapaibig ang prinsipe!"
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso?! Paano?!"
Ngumisi siya. "Simple lang."
May kinuha siya mula sa loob ng kapa niya saka ibinigay sakin. Isang perfume.
"Pag ginamit mo ito sa harapan mismo ng prinsipe pagpatak ng alas dose, mapapasaiyo siya, iha. Aha-ha-ha-ha!" sambit niya.
Inis ko yung hinablot. "Akin na! Nakakainis talaga ang babaeng yun!"
Eksaktong tumunog ang orasan, tanda na alas dose na. Nagkukumahog naman sa pagtakbo palayo si Sabrina.
Ngumisi ako sabay spray ng perfume sa katawan ko.
Akmang aalis na ako nang bigla akong pinigilan ni Mikael.
"Teka, teka," nakangisi niyang sabi. "Lahat ng bagay sa mundo, may kabayaran."
Napakunot ang noo ko sabay lingon sa kanya. "Magkano gusto mo?"
"Uh-uh-uh!" Umiling siya sabay iling rin ng hintuturo sa harap ko. "Hindi ka sakin dapat... magbabayad. Kaya, pag-isipan mo ng mabuti, iha."
"Kung ganun, kanino?" takang tanong ko.
"Sa tadhana," sagot niya.
Napairap nalang ako. "Walang kwenta. Kung mapapasaakin lang din naman ang prinsipe, wala na akong paki!" Saka ko siya tinalikuran at naglakad palayo.
"Ikaw ang bahala... iha," pa-suspense na sabi ni Mikael sabay halakhak.
Hinabol ni Hirian si Sabrina.
Tumakbo naman ako at sinadyang banggaan siya.
Natumba kami pareho.
"Y-Your highness, are you okay?" kunyari nag-aalala kong tanong sabay bangon.
Napatulala nalang siya sakin.
"Kamahalan?" tanong ko pa.
Saka na siya nabalik sa ulirat. "My lady..." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Will you marry me?"
"Yes—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsigawan sina Navis at Yuuri.
"Walang galang!" singhal ni Yuuri sa kanya sabay sabunot.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...