Yeah, you make me lose my mind.
-Jai Waetford
ANASTASIA LEONHART
"Oh, before I forgot," sambit ni Heinz nang akmang lalabas na siya sa pintuan.
Kumunot naman ang noo ko. "What?" Ano ba yan? Umalis ka na hoy!
Sinara niya ang pinto saka sumandal dito. "The raid I was talking about earlier, I was pertaining to the noble who bought the royal pendant."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Talaga?"
Tumango siya. "Yeah. Apparently, an unknown buyer bought it from him. We're still tracking it's coordinates down," sagot niya. "I'm telling you this in case you wanted to know."
"How about the leader of the auction?" tanong ko.
"She disappeared," sambit niya. "Whoever she is—she's good." Dumilim ang ekspresyon ng mukha niya. "Wala siyang tinirang bakas, kahit mga alahas mo."
Naalala ko bigla ang letter ni Senri.
"Heinz, sa tingin ko alam ko kung saan mo siya mahahanap," sambit ko at sinabi ko sakanya ang mga nalalaman ko kay Senri.
Mas lalong dumilim ang mukha niya.
Nababahala na tuloy ako kung tama bang sinabi ko yun sa kanya o hindi.
"You mean to say..." irita niyang tanong. "That chieftain, secretly, sent you letters without my knowing?"
"Correction, letter," pagtatama ko. "Isa lang. Tsaka, yan talaga pinoproblema mo?"
Iiling-iling lang siyang napahawak sa noo na parang hindi ako narinig.
"Heinz—"
"You should—" Napalingon siya sakin. "—Stay with me at all times."
Napakunot ang noo ko. "Saan nanaman iyan galing?"
"Well, I realized..." sambit niya. "Kailangan kitang bantayan."
Napasimangot ako. "Bakit nanaman?!"
"Because—" Sandali siyang napasulyap sa kisame. "—You're in danger. Nag-aalala lang ako."
Parang alam ko na ang mga ganyang tingin ah? Mga tinging lumulusot. Kabisadong-kabisado ko na yan dahil mga galawan ko yan.
May tinatago siya.
"Well, thanks for the info." Bigla nalang siyang lumapit saka...
Bigla akong hinalikan sa pisngi!
Literal na nanlaki ang mata ko. Anong...?!
"Goodnight, Nesa," pahabol niya pa bago binuksan ang pinto at tuluyang umalis.
Napahawak naman ako sa kaliwang pisngi ko. Parang gusto kong magsisigaw.
Ano yun?!
Ba't may ganun?!
Anong ibig sabihin nun?!
Napaupo nalang ako sa sahig, tulala.
Something's whispering in my head pero ayoko! Hindi ko matanggap, never!
Kinabukasan, puspusan na kami sa practice sa theatre club. Pina-excuse na din kami ni Mikael sa klase para makapag-focus kami.
"Everyone, pack your things later," anunsiyo ni Mikael pagkatapos ng practice. "Pupunta na tayo sa Heathcliff bukas."
Nagsigawan kami. Excited na ako!
There's a town in Yngrassia named after the Heathcliffs. Yun din ang lugar na pinamamahalaan ng pamilya nila for generations.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...