ANASTASIA LEONHART
"Tignan mo, tignan mo!" Nagtatalon kong itinapat ang phone sa kanya.
"Ano ba yan?" reklamo niya. "E-book nanaman?"
"Mapa-publish na ang favorite ko!" natutuwa kong sabi. "Tsaka tignan mo, may special chapters pang available sa book version, nakakainggit!"
"Tumigil ka nga, para namang makakabili ka niyan," balik niya.
Napasimangot ako. "Panira ka talaga ng trip."
Umirap siya. "Tara na nga, nagugutom na ako."
"Okie dokie!" sambit ko at sumunod sa kanya.
Gabi na. Naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Tumitingin-tingin naman ako sa bawat shop na madaanan hanggang sa mapukaw ang atensyon ko sa isang secondhand bookshop.
Hindi ko napigilang pumasok doon.
"Hoy!"
Sumunod naman siya sakin.
Tuwang-tuwa akong nagtitingin sa loob. Ang mumura!
"—ano ba?!" singhal niya. "Gutom na ako!"
"Sandali lang!" pagmamatigas ko saka umikot pa sa kabilang shelf.
"—naman eh." Napabuntong-hininga siya pero hindi ko na siya pinansin.
Napadako ang tingin ko sa isang hilera ng mga libro na puro mga pangalan ang title.
Series ba ang nga yan?
Inabot ko ang isa saka yun binuksan. Hindi ko maklaro ang title nito, sobrang labo. Luma na siguro.
Binuklat ko pa ito at nagtaka nang blanko ang lahat ng mga pahina.
"Bibili ka ba?"
Napalingon ako nang magsalita ang isang matandang ale. Siya siguro ang nagmamay-ari ng bookstore.
Umiling ako. "Nagtitingin-tingin lang po ako, la."
"Ahh, sige." Bigla siyang napasulyap sa librong hawak ko. "Ay, pasensya ka na iha ha? Hindi pa kasi naisulat ang librong yan."
Nagtaka ako. "Ho?"
Kinuha niya ito mula sakin saka sinara. "Magsisimula palang ang kwento nito." Isinauli niya ito sa shelf. "Ikaw ba iha, sino ka ba?"
Napakunot ang noo ko. "Po? Ako po si—"
Natigilan ako. Ako si...
Anastasia.
Napalingon ako sa nag-iisang salamin sa bookshop at halos manigas nalang nang mapagtantong unti-unti akong naglalaho.
Teka.
Hindi ko mamukhaan ang sarili ko.
"Teka!"
Napabalikwas ako ng bangon, hinahabol ang hininga. A dream.
A dream of my past life.
Napahawak ako sa ulo. Nanginginig ang mga kamay ko. Ito ang unang pagkakataon na nananaginip ako sa buhay ko dati.
Bakit ngayon pa?
Saka ko lang napansing sa lamesa pala ako nakatulog. Napabanngon ako saka hinarap ang mukha ko sa salamin.
Hindi ako naglaho. Ako pa rin naman to. Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko. Masakit naman.
Sino yung nakita ko sa salamin?
Ba't iba ang mukha ko doon? Sino yun?
Napabuntong-hininga nalang ako. A dream is just a dream.
Pinulot ko nalang ang mga nagkawatak-watak na papel sa lamesa. Ang dami kong sinulat kagabi. Mga plot holes, existing conflict tsaka ang mga nagbago sa original storyline.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...