Chapter XL- Discord

233 12 0
                                    

"I'll kill whoever takes you away from me. No matter what."

-Heinzal Versailles

ANASTASIA LEONHART

Tahimik na pinakawalan ni Heinz ang mga lantern namin. Beneath it hung a piece of paper containing our wishes.

Nagsiliparan na rin ang ibang lantern dahilan para lumiwanag ang kalangitan. Para itong mga alitaptap at bituin na nagsi-akyatan sa langit. Kada isa, may dala-dalang hiling ng mga taong may kanya-kanyang kwentong hindi naitala. It looked so beautiful up here in the tower. Nakakapanlambot ng puso.

I feel like a fool for wishing for his sake rather than for my own safety. And I feel much worse when I realized I don't mind at all.

At hindi nagtagal, nakaramdam ako ng butil ng tubig na pumatak sa pisngi ko na nasundan pa ng isa at ng isa hanggang sa tuluyang bumuhos ang ulan.

Nakakapanindig balahibo. The goddess heard our prayers.

Because of reflection, the rain looked like thousands of falling stars raining down from the heavens.

Pero nagtaka nalang ako nang mapansing hindi ako nabasa. Napatingala tuloy ako at nakita ang isang payong sa ibabaw ng ulo ko. Saka ako napatingin kay Heinz na siyang may hawak nito.

Nakatingin lang siya sa malayo, pinapayungan ako habang unti-unti naman siyang nababasa.

Sa mga sandaling yun, parang tumigil ang mundo ko.

"Halika nga rito!" Hinila ko siya palapit sakin. "Mababasa—"

Lumayo siya. "It's okay."

Hindi kaya sa konsensiya ko na pinapayungan niya ako samantalang nababasa siya diyan kaya ako na mismo ang kusang lumapit. Awtomatiko akong sinundan ng kamay niyang bitbit ang payong para hindi mabasa habang dahan-dahan namang umatras ang paa niya kaya nababasa pa rin siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mong magkasakit? Wag ka ngang lumayo!"

Mukhang napikon siya sa pagsigaw ko dahil inis niyang hinila ang kamay ko, pinahawak doon ang payong saka walang pasabing tumalon pababa.

Napanganga nalang ako. Iniwan niya ako?

"Heinz!" sigaw ko sa kawalan saka napasilip sa baba pero hindi ko na siya makita. Iniwan niya talaga ako! Sa tuktok ng torre!

Hindi ako nag-aalala kung mababagok siya diyan dahil marunong siyang lumipad.

Ang kaso...

Nakalimutan niya atang mabilis akong maligaw!

Nagngingitngit ako sa inis pero unti-unti rin yung humupa nang makitang katabi lang pala ng torre ang templo. Safe.

Pero napipikon pa rin ako! Pagkatapos niya akong dalhin dito at kamuntikan nang mahalikan, iiwan niya ako?! Walang modo!

"There you are."

Nagulat nalang ako nang sumulpot mula sa hagdan ang ulo ni Nicol. Ba't siya nandito?

Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. "Where's his royal highness?"

Napairap ako sa ere. "Please lang, wag mong ipaalala sakin ang lalaking yun."

Ngumisi siya. "Iniwan ka no?"

Mas lalo akong napikon.

"Ayan," pang-aasar niya. "Yan napapala mo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang kailangan mo? Ba't mo 'ko hinahanap?"

Bigla siyang sumeryoso saka sumandal sa railings. "My men confirmed suspicious people wandering in the forest," sambit niya. "I guess our plan will continue."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon