Chapter LI- Demons

220 6 0
                                    

"Being in his arms silenced my demons and calmed my storms."

ANASTASIA LEONHART

"Who are you?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya, kinakabahan.

Teka.

Nilapit niya pa ang patalim sa leeg ko kaya napaigtad ako. "I said, who are you?" May diing pagkakasabi niya. "You're not the real Anastasia."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Alam niya?! Paano?!

Teka, teka.

Hingang malalim, Anastasia. Kumalma ka. Wala sa sarili kong hinaplos ang singsing ko bago siya tinignan sa mga mata. "Anong pinagsasabi mo? Ako to, si Anastasia."

"Ah?" intriga niya. "Prove it."

Prove it? Parang na-blanko ang isip ko. Paano ko patutunayang ako nga ang totoong Anastasia?

Kahit hindi naman talaga ako si Anastasia.

"Lady Dominique, pwede naman siguro natin tong idaan sa masinsinang usapan," sabi ko nalang.

"I said, prove it."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Paank ko naman gagawin yun?"

"The real Anastasia would know," seryosong sabi niya.

Tumatambol na sa sobrang kaba ang puso ko. Ayoko pang...

Ayoko pang mamatay! Ang layo na ng narating ko para mamatay lang dito!

I already tamed the villain for pete's sake! Tas may dadagdag nanaman?!

Teka. Paano kung kahit anong gawin ko, mamamatay at mamamatay pa rin ako? Kung hindi man si Heinz ang tatapos sakin ay gagawa ng ibang paraan ang tadhana para mawala pa rin ako?

"Then, my lady," walang kabuhay-buhay kong sabi. "If I really am an impostor as you claimed me to be—" Hinila ko ang patalim diretso sa leeg ko. "—Kill me."

Natahimik kami.

Maya-maya, nagsalita siya. "As you wish." Hinila niya ang staff niya para makabuwelo.

Napapikit nalang ako.

Ilang segundo ang lumipas at walang talim ang tumagos sa lalamunan ko.

Napabuka tuloy ako ng mata at nakitang nakatingin lang si lady Dominique sakin, nakahalukipkip.

"You pass," sabi niya bigla. "You're not under the influence dark magic.

Napakurap-kurap ako. "Were you just testing me?"

Tumango siya. "As you can see, the affinity of darkness comes in many forms. One of it soul migration. They have the ability to exchange souls."

Ano?! May ganun?!

"And what I did earlier is a test, as I said," paliwanag niya pa. "Humans with dark magic are cursed with the thirst for power. And to think that they're only a handful around the world, they can't let themselves die."

Napaisip ako. Posible kayang... Nabuhay ako sa katawan na to dahil diyan? Because of dark magic? But, time was reversed. Kaya rin ba yan gawin nito?

At kung totoo man yun, sino? Sino ang naglipat sakin sa katawang to? Bakit? Anong kailangan nila?

At isa pa. Kung totoo mang ipinagpalit lang ang mga kaluluwa namin, posible bang... ang totoong Anastasia ay namatay sa katawan ko?

"They don't want to die," dagdag niya pa.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon