"And you're as beautiful as the day I lost you."
-Stoic the VastANASTASIA LEONHART
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.
There's an anonymous group who ordered for my capture and bought me after. Now, they're here in Larona to get me.
"Siri, pag itatakas niyo ako, anong mangyayari sa inyo?" tanong ko.
Napabuntong-hinga siya. "They said the goddess Iona blessed us as a reward. Kung ibibigay ka namin sa kanila dahil lang sa pera, do you think hindi siya magagalit?"
Napatingin lang ako sa kanya.
"At.. Ayoko ring ibigay ka." Lumapit siya sa pintuan. "Dito ka lang, kakausapin ko ang chief."
"Teka—"
Nakalabas na siya.
Palihim akong sumilip sa bintana. Medyo nagkaroon ng tensyon ang dating masayang Lana Larona.
Bigla nalang may kumatok kaya napatingin ako sa pinto. "Sino iyan?"
"Senrius."
Napalunok ako. "Pasok."
He's the chief which means he's also responsible. Siya ang nagdesisyon na kunin ako at dalhin dito. For money.
Pumasok naman siya dala ang tindig ng isang chieftain. Siya ang Senrius na nakilala ko pagdating dito.
"There's something I wanted to tell you," sabi niya.
————
Nanlaki ang mata ni Siri pagkakita sakin pero inilingan ko lang siya.
Nakagapos ngayon ang kamay ko habang hinahatid ako nina Mathew patungo sa isang barko.
Awang-awa namang nakatingin sakin ang mga tao pero wala silang magagawa.
Iba ang disenyo nito kaya sigurado akong hindi ito taga-Larona. Yun ang barkong magdadala sakin sa kung saang impyerno man nila akong dadalhin.
The ship had no crest which means it belongs to neither any of the kingdoms. Wala itong kahit anong palatandaan. Halatang iniiwasan nilang mag-bigay ng ebidensyang makakapagturo kung sino sila.
"Pasensya na," rinig kong bulong ni mang Mathew bago ako ibigay sa mga estrangherong lalaki.
Tinulak naman ako ng lalaki paakyat ng tarangkahan kaya sumunod na ako. Saka ko lang napansing may kasama pa silang maliliit na barko. Warships, I bet.
Kung sino mang nasa likod nito, sigurado akong mayaman ito.
"Pwede bang sa malinis na kwarto niyo ako ilagay?" request ko.
Sinamaan nila ako ng tingin.
"Iligpit niyo na to," sabi nung pinuno ata nila.
Nagulat ako sa paraan ng pagkakasabi niya. "Anong ililig—"
"Tahimik!" singhal nung iba saka ako marahang pinaghihila kung saan.
Nakaramdam ako ng takot kaya hinayaan ko nalang sila.
At lubos nalang akobg nagpasalamat dahil kahit papano, sa malinis na cabin nila ako nilagay.
"May kailangan ka pa ba?" tanong nung isa.
"May libro ba kayo?" tanong ko. "Masyadong boring saka paki tanggal ng tali oh, hindi naman ako makakatakas."
Tumalikod na siya. "Tatanungin ko si boss—"
"Tsaka teka!" pahabol ko. "Kung may pagkain, pwede? Baka gutumin ako."
Hindi na ito kumibo at tuluyang sinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...