Chapter XLVII- Relief Goods

227 9 3
                                    

ANASTASIA LEONHART

Bago dumiretso sa Heathcliff village, pinilit ko muna si Heinz na dumaan sa bahay namin para kumuha ng damit.

Ang tagal-tagal ng biyahe tas isang araw lang kami dun? No way!

Humingi na rin ako ng pera kina kuya pambawi sa ginawa ko sa village. Ayaw niya pa nga eh dahil nagbayad na raw ang Leonhart duchy sa gastusin ng pagpapaayos nung tulog pa ako.

Pero ayoko!

Kailangan ko pa ring bumawi, nakakahiya!

At eto nga, todo pasensya ako kay Lord Gustav Heathcliff na pinsan din ng hari.

Minsan nang na-ikwento ni Heinz na magkapatid yung lolo niya na siyang dating hari at ang lola nina Mikael kaya namana nina Miks ang pagkadugong-bughaw ng mga Versailles.

Kaya rin halos mga lalaki silang lahat dahil malakas ang male genes ng royal family. Minsan lang sila binibiyayaan ng babae.

Samantalang yung dating reyna naman na lola ni Heinz tsaka ang dating head ng Heathcliff Household na lolo nina Mikael ay magkapatid din. Diyan naman nakuha nina Heinz ang multi-talented na dugo ng mga Heathcliff.

"It's okay, my lady," sambit ni Lord Gustav pagkatapos ng ilang sorry ko. "Hanggang tuhod lang naman ang baha. Walang napuruhan o nasaktan. Please calm down."

Natigilan ako sa sinabi niya saka dahan-dahang napalingon kay Heinz. "Sabi niyo nalunod ang buong Heathcliff?"

Tumango siya. "Uh, yeah?" sagot niya. "Binaha nga ang village."

Nakaramdam ako ng inis. Kung maka-describe sila, akala mo naglaho sa mapa ang village. Baha lang pala! Natakot tuloy ako. Akala ko may nalunod at namatay.

Bigla nalang kaming nakarinig ng sunod-sunod na yabag ng paa. "Pinakamamahal kong anak!" ngiting-ngiting sambit ni Navis habang tumatakbo sa direksyon ko na nakabukas ang braso.

Hindi pa siya tuluyang nakalapit nang humarang si Heinz at ito ang nayakap. "Hoy!" singhal niya.

Kita kong napailing-ilinga nalang ang tiyuhin nila.

Nakasunod naman sa kanya sina Hirian kasama si Sab na agad akong nilapitan at niyakap.

"Anastasia!"

Hindi pa ako nakapagsalita nang magsisigaw si Navis nang hi-neadlock siya ni Heinz.

"I read your letter, you moron," nagtitimping sambit ni Heinz.

"Ano?!"

Hindi ko na sila pinansin at inabala ang sarili sa mga bati nina Mikael.

Dahil papatapos na rin ang klase at wala na silang masyadong ginagawa, pinapunta nalang sila rito para tumulong sa pamamahala ng bayan. Sinama naman nila si Sabrina dahil gusto nitong matuto ng pamamahala para sa barony nila sa Naraheld village.

Ang rinig ko, nasa border daw ito ng Yngrassia Kingdom at Agraria Kingdom sa kanluran. It's a kingdom in the deserts, inspired by Arabian kingdoms in the real world.

Nang matapos ang nakakasawang batian at pangangamusta tungkol sa kalagayan ko, pinakiusapan ko silang dalhin ako sa sentro ng bayan para humingi ng tawad sa mga tao.

Ayaw pa nga ni lord Gustav dahil isa akong noble. Hindi raw pwedeng ibaba ko ang sarili para sa mga commoner pero sinuportaan ako ng anak at mga pamangkin niya kaya wala siyang nagawa.

At nandito nga ako ngayon, sa harap ng maraming tao, nakayuko. "I'm Anastasia Leonhart, the youngest heir of the Leonhart dukedom," pagpapakilala ko. "Ako rin po ang bumaha sa lugar niyo ilang buwan na ang nakakalipas. Nandito po ako para personal na humingi ng tawad sa inyo."

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon