ANASTASIA LEONHART
Muntik na kaming magrambulan magkakapatid. Buti nalang at dumating si Vanessa kaya natahimik kaming apat.
Yumuko siya. "Greetings my lady, my lords." Hinarap niya ako. "Lady Anastasia, a package has arrived for you from the Heathcliff household. I already brought it in your room."
Kumunot ang noo ko. Ano nanaman bang pakulo ng mag-pinsang yun?
Hindi pa ako nakapagsalita nang agad tumalikod si Vanessa at walang pasabing umalis.
Huh?
Narinig kong napasinghap si kuya Anstafar sa inis. "Hay, buhay."
Nahuli kong palihim siyang siniko ni kuya Ansaiah. Nagtitinginan pa sila, na parang may pinag-usapan na ayaw nilang marinig ko.
Hindi ko maiwasang magtaka. May nangyari nga sa bahay na to habang tulog ako. Naaamoy ko.
Maya-maya pa, bumalik ulit si Vanessa kaya nagsi-ayos sila ng tayo. Nanlaki nalang ang mata ko nang makilala ang taong kasama niya ngayon.
"Elizabeth!" tawag ko saka siya nilapitan.
Yumuko siya. "A pleasant morning my lady, young lords. I'm Elizabeth Ascarte, lady Anastasia's humble acquintance."
Kumunot ang noo ni kuya Anstafar. "Ascarte? A commoner?"
Magsasalita na rin sana ang isa kaya dali-dali ko silang pinigilan.
"Hep!" Pumalakpak ako. "Walang magtanong. Bisita ko to." Bago pa sila makaangal ay agad kong hinila si Elizabeth at dinala sa second floor.
Na agad ring natapilok.
Nagsigawan tuloy kami. Muntik na siyang mahulog, buti nahila ko!
“Anong nangyari?!" aligagang tanong ng mga kapatid ko.
"Wala, wala, natapilok lang!" sagot ko sa kanila saka hinila ulit si Elizabeth. "Napunta ka rito?" tanong ko.
Napakamot siya sa ulo, nahihiya. "Sorry, ngayon lang ako nakabisita kay Phiri."
Pinakiusapan ko siya nuon nang minsan kaming nagkasalubong sa hallway kung pwede niya bang magamot si Phiri.
"No, it's okay. Naintindihan kong busy ka," sambit ko hang naglalakad kami.
"Kamusta naman ang kalagayan niya?" tanong pa niya.
"Medyo okay naman, hindi na siya inubo-ubo pagkatapos bisitahin ng ilang doktor pero nanghihina pa rin siya." Dinala ko siya sa isang kwarto. "She's here. Handa ka na?"
Tumango siya. "Yes, yes!"
Kumatok ako sa pinto. "Phiri? Si ate Tasha 'to."
Walang sumagot. Nang pinihit ko ang doorknob, walang tao sa loob.
"Hala, san na yun?" nag-aalala kong tanong.
Buti nalang at may napadaang tagapagsilbi. "My lady, nasa kwarto po ni Killua nakitulog si Phiri," sambit niya.
Napangiti ako. "Thank you."
Yumuko naman siya bago umalis. Aalis na rin sana kami nang makarinig kami ng parang boteng nabasag.
Sabay kaming napalingon ni Elizabeth at natagpuan si Lanc na tulala habang may basag na vase sa ilalim niya. Nagkalat pa ang mga tulip sa sahig.
"S-She what?" utal-utal niyang sabi.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Ang lugmok kasi ng itsura niya, kala mo niloko ng jowa eh ang bata-bata pa naman.
Yumuko si Elizabeth. "Greetings, your royal highness."
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
Storie d'amoreI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...