Chapter LXXXI- Wedding Day

246 12 10
                                    

"You will always be the feeling I felt too much."

-perry poetry


ANASTASIA LEONHART

"You're very beautiful, my dear," naluluhang sambit ni mama habang pinasadahan ako ng tingin.

Nandito kami sa isang kwarto ng cathedral sa loob ng palasyo, hinihintay nalang na magsisimula na ang kasal.

Nakasuot ako ngayon ng isang napakalaking puting gown. It's an off-shoulder long gown emroidered with golden laces and diamonds. Sa sobrang haba nito ay naiwan pa ang ilang tela sa sahig. Hapit pa ito so beywang ko pataas kaya kitang-kita ang mga kurba ko rito.

This is it.

"My baby girl is finally getting married," sambit pa ni mama.

Naging emosyonal na rin ako, bwiset. Kahit hindi ko siya totoong ina, siya pa rin ang tumayo at kinikilala kong ina sa loob ng labing-walong taon.

My my real mother was here, what would she say?

Ikakasal na ko ma, pa. Sana nandito rin kayo.

"Mother, where's kuya Anstafar?" tanong ko nalang para maiba ang topic. Ayokong mag-drama rito. Tsaka isa pa, kanina ko pa yun hindi nakita. Si kuya Ansaiah naman ay hindi makakadalo sa kasal ko dahil biglaan siyang ipinadala sa Al-Sahil para ayusin ang relasyon ng mga kaharian namin.

Wala akong magawa. Trabaho niya 'yun eh.

Sandali siyang natigilan at bago pa siya makasagot, may kumatok sa pintuan.

"Mother, wedding is about to start. Leave her and let's go," sambit ni kuya Answald mula sa labas.

"My goodness!" Dali-dali siyang tumayo. "Let's go Phiri, Killua!"

Tumayo naman ang dalawa na kanina pa naglalaro sa tabi-tabi at sumunod sa kaniya.

Inatake naman ako ng matinding kaba at niyerbos. Heto na talaga!

Napatingin pa ako sa salamin para tignan ang sarili ko sa huling pagkakataon. Okay naman. Hindi nagulo ang make up ko. Maayos ring nakakabit ang kwintas at earrings ko kung saan ang mga diyamanteng nakadikit rito ay kakulay ng mga mata ni Heinz, asul.

At di nga nagtagal, may kumatok sa pinto at pinatawag na ako.

Abot langit ang kaba ko habang naglalakad ako sa walang katao-taong pasilyo kasama ang mga tagapagsilbing umalalay sa napakahabang laylayan ng gown ko sa likod at mga kawal na binabantayan kami.

Hanggang sa huminto kami sa nakasarang double door ng cathedral.

Mas lalo akong kinabahan. Letche!

Ganito pala 'pag ikakasal na, nakakaloka sa kaba!

Nang makalapit ako ay akmang bubuksan ng dalawang bantay ang mga pinto ng sinenyasan ko sila na huwag muna.

Kailangan ko munang kalmahin ang sarili ko. Pakiramdam ko aatakehin ako sa puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Take a deep breath, my lady," sambit ng isang tagapagsilbi na mukhang nahalata ang panginginig ng kamay kong hawak-hawak ang isang boquet ng puting tulips. "Breathe in... Breathe out."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Wala pa ring nangyayari. Kinakabahan pa rin ako pero umayos naman ang lagay ng utak ko.

Humugot pa ako ng isang malalim na hininga bago sinenyasan ang dalawang bantay na buksan na ang pinto.

Sumunod naman sila at mukhang nang-aasar ata ang mundo dahil sobrang dahan ng pagkakabukas nila na mas lalong ikinakaba ko.

At nang bumukas nga ito, sumalubong sakin ang sandamakmak na pares ng mga mata na nakatingin sakin kasabay ang pagtunog ng orchestra mula kung saan.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon