"What if... Just what if..."
ANASTASIA LEONHART
Ilang minuto pa kaming naglakad, umakyat pa kami sa mahaba-habang hagdan ng bundok bago namin narating ang templo.
Pagpasok namin, bumungad samin ang isang malaking arko na tinaniman ng mga tulips. Ang daming tulip sa paligid.
Sinalubong naman kami ng mga priestess dito at iginaya sa malaking bulwagan kung saan nakatayo sa gitna ang statue ng isang babaeng may hawak na tulip.
The goddess, Iona. The deity of light magic.
Iginaya naman kami ng mga tagapagsilbi ng templo patungo sa mga upuang nakahanda para samin. Para akong nahiya nang makita ang mga plato roon. Puro gold. Taray. Samin silver lang.
Magkasama kami ni Heinz sa isang lamesa habang sina kuya Vanklov naman at lady Dimitri sa kanan na siyang pinakamalapit sa harap. Sa kaliwa naman ang mga Heathcliff na sinundan ng iba pang mga noble.
In banquets like this, the most important guest should be brought closest to the host followed by the second and so on.
"Want some?" tanong bigla ni Heinz sabay kuha ng platong naglalaman ng prutas.
Tumango naman ako.
Kahit naka slice na, hiniwa pa niya yun sa mas maliliit na parte para mas madali kong kainin bago binigay sakin.
Napangiti ako. "Thank you."
Tinanguan niya lang ako bago walang paalam na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
Agad nawala ang ngiti ko. Parang wala naman siyang umiwas ng tingin at pinagmasdan ang ibang mga taong papasok palang sa templo.
Hindi pa ba siya kuntento kanina?!
"I said, ask permission," asar kong sabi sa kanya. "Namumuro ka na."
Nilingon niya ako. "Can I?"
"No."
Unti-unting kumunot ang noo niya. "And why not?"
"Kanina ka pa," reklamo ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. "And?"
And you're so makapal ang mukha, leche!
Inirapan ko nalang siya. Ayokong makipagtalo, mas maiinis lang ako.
Narinig ko nalang na nagpipigil siya ng tawa.
"Nakakatawa?" asar kong tanong sa kanya.
Napailing lang siya. "You look adorable when pissed."
Napalobo tuloy ako ng pisngi. Anong sabi niya?!
"And that."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Nginitian niya lang ako bago itinukod ang siko sa lamesa at pinatong ang pisngi sa palad niya. "That too."
Maaga ata akong mababaliw sa lalaking to.
"Tumahimik ka nalang, pwede?" sambit ko. "Alam kong maganda ako."
"Yeah," he agreed without hesitation. "That's my problem right now."
Taas-kilay ko siyang nilingon. "Bakit naman? Problema mo sa mukha ko?"
Aba. Ininsulto ba ako nito?
"There are—" Tumahimik siya, halatang nag-iisip. "Well..."
Bigla niya nalang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko.
"Do you really wanna know?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...