"If tomorrow brings hope, I hope it brings you."
-perry poetry
_________________
Al-Sahil, Yahtar Plains
Evening"If I were you, we'd best climb the Shiver Mountains. There's a hidden cave right here," sambit ni Killua sabay turo sa mapa.
Nang nalaman niyang malapit na kami sa Silveria at nagbabangayan nanaman ang magpinsan ay nakisali siya sa usapan.
"And where does this cave lead to?" seryosong tanong ni Mikael.
Sandaling natahimik si Killua bago sumagot. "Nevotta... My homeland."
Natahimik sila.
Napabuntong-hininga nalang ako. Matagal na nilang alam ang tungkol kay Killua.
"The village may be abandoned for now but I believe the houses are still intact. Wild frost-kissed herbs grow on the mountainside, we can eat them while we're there," he stated like an adult.
Lumapit na ako at nakisali na rin. "I like his idea, but where in Silveria are we going exactly?"
Tinuro ni Hirian ang nakasulat na Winterfrost. "Here, a fortress castle in Winterfrost. It's surrounded by natural blizzards and towering glaciers so Heinzal's flames won't work too much."
"Tutulungan ba talaga nila tayo?" nag-aalalang tanong ni Sabrina.
"Malamang." Biglang inakbayan ni Navis si Mozart na malamig lang siyang tinignan. "Matitiis ba nila to?"
Nagkatinginan kami ni Sabrina, naguguluhan pa rin. Anong konek ni Mozart?
Teka. Affinity of Ice...
Nanlaki ang mata ko. "Taga rito si Mozart?"
Tumango siya. "Mozart's mother is the duchess of Winterfrost. Sa kaniya niya rin namana ang affinity niya."
Napanganga nalang ako sa mga rebelasyong nalaman ko.
Napagsunduan na rin nila na sa Shiver Mountains nalang dadaan. Nang matapos kaming magplano ay natulog na rin kami.
Kinabukasan, agad kaming nagsi-ligpit at naglakbay na. Ngayong umaga na ay kitang-kita na ang naglalakihang bulubundukin na nagiging puti na dulot ng niyebe.
Shiver Mountains.
It took us about noon to reach the foot of the mountains. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin at iilang patak ng niyebeng nahuhulog mula rito sa ibaba.
Pinahinto naman kami ni Mikael at may binigay sa 'min ni Lanc.
Isang mainit na candy. Kulay itim din ito at parang sunog na. Bagong luto ba 'to?
"Para saan 'to?" takang tanong ko.
"It's a lava candy from Zamali Volcano, western part of Al-Sahil," sagot niya.
Kinabahan ako bigla. "H-Hindi ba kami masusunog nito?" Kaya pala mainit.
"You won't. The both of you need to take that from time to time because of your affinity." Tinuro niya ako. "Kung wala 'yan, magyeyelo ka dahil tubig ang affinity mo habang si Lanc naman ay manghihina. Hindi rin lalabas ang apoy niya kung sakali."
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...